Kabanata 27

3.1K 80 9
                                    




Don't forget to play the music while reading the end part of this chapter.

————————————————————

Kabanata 27

thirdwheel

Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga ng makita ang hindi pamilyar na silid, ngunit agad din' napapikit ng maramdaman ko ang sakit sa aking sentido.

"Puta!" Matagal pa akong nakapikit doon, hindi gumagalaw at hinahayaang mawala muna ang sakit na nararamdaman.

Tangina kasi, bakit ako nagulat!? Yan tuloy ang sakit ng ulo ko.


Unti unti akong dumilat upang suriin kung nasaan ako. Pero hindi ko pa man din nakikita ang buong silid ay naalala ko na ang mga nangyari kagabi.




Oh shit!


Agad akong bumaba sa malambot na kama upang hanapin ang mga gamit ko. Hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin ang damit kong nabago at napaltan ng isang malaking shirt. Hinagilap ko ang aking cellphone na nasa gilid na lamesa lang.


I checked for their texts at hindi ako nagkamali dahil marami nga iyong natanggap ko!


Five missed call from Anika.

Five missed call from unknown number.


At dahil si Anika lang ang nag tadtad sa akin ng text ay iyong kanya lang ang binuksan ko.


Anika:

Hey, where are you?

Anika:

Verone we're worried, hindi ka namin mahanap sa buong place.

Anika:

Hey, umuwi kana ba?

Anika:

Text me if you're home.





I felt guilty ng mabasa ko iyon. Siguro ang unknown number na tumawag sakin ay iyong mga kasama ko din sa table. Nakakahiya! After having fun with them, umalis ako ng walang paalam at hindi manlang nakapag reply sa text nila! That was an off move.



Napahilamos nalang ako sa aking mukha ng may mapagtanto pa. Yung sinuntok ni Rox! Damn! Why did i let him dance with me!? At paano napunta si Rox sa lugar na yon? Is it just a coincidence at nasaktuhan lang na nakita niya ako? Or sinundan nya ako? But that's impossible because he don't know my where abouts!


Bago pa ako tuluyang lunurin ng isip ko at mapapunta sa mga nangyari noong nasa sasakyan na kami, agad ko nang itinigil ang pag iisip. I texted Anika to assure her that I got home safe and that Im too drunk to even reply to their text last night. Humingi din ako ng sorry dahil sa pag alis ng walang paalam.




Mukha namang hindi nila nakita yung suntukan, hindi naman nya nabanggit sa text.



Matapos non ay hindi ko alam kung bababa ako. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ito ang kwarto ni Rox sa mansyon ng mga Razon at nasisigurado ko din wala ako sa guest room dahil masyado iyong malaki para doon. Im fucking sure that this one is his room pero hindi ko alam kung saang bahay ito!



Bago pa man ako makalabas sa silid na iyon ay siyang pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Rox na naka puting t shirt at....Boxers!

For pete's sake! Bakit naka boxers lang!?


Kunot noo akong nag iwas ng tingin, naiilang sa suot nya.


"Kumain kana sa baba, breakfast is ready. I'll just take a shower at ihahatid na kita." Malamig nyang sambit.


Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now