Kabanata 29

3.3K 87 9
                                    


Kabanata 29

embarrassing

"Uh, wala naman akong bibilhin,"

I said awkwardly. Niyayaya nya kasi akong pumasok sa mga designer store, puro lang ako tingin at wala naman akong balak bumili.

Malungkot kong nilingon ang nilabasan naming tindahan, hindi naman kasi ako pumapasok sa ganito dahil alam kong maakit lang ako sa mga iyon tapos hindi ko naman bibilhin kasi mahal, Kagaya nalang nung bag na nakita ko.


Right. Gusto ko iyon pero, ayokong bilhin. Kaya ko namang bayaran ngunit masyadong mahal. I have to be practical lalo na ngayon at wala akong trabaho. Palabas ang lahat ng pera ko at walang pumapasok.


"You want that bag?"

"Huh?" Mabilis kong ibinalik ang tingin sakanya para hindi nya makita ang tinitignan ko.

But I think i stared too much kaya naman kahit siya ay naka tingin na rin doon!

I bit my lowerlip. "Hindi, tinitignan ko lang kasi maganda. Wala akong bibilhin,"

Nginitian ko siya ng ibalik ang tingin sa akin. He arched his brows and without saying anything, nanlaki ang mata ko ng muli siyang bumalik sa loob ng store.


Shit! Hindi naman ako bibili!

Kinakabahan akong sumunod sakanya ng lapitan nya iyon. Baka kasi akala nya bibilhin ko, e ayoko ngang gumastos!


Sinulyapan ko ang staff na agad lumapit sa amin ng bumalik si Rox sa loob. With both of his hands on the pocket, nilingon nya akong muli.

"This one?"

Dahan dahan akong umiling. Iyon naman talaga, pero hindi ko nga kasi bibilhin.

"This is one of our limited edition sir, isa lang po ito dito sa Aklan, It's either sa manila or LA nalang po meron nito and sad to say, nakareserve na po ito for someone."


Tumatango tango pa si Rox habang nakatingin doon. Alam ko na yon, talagang hindi madami ang ilalabas nila dahil hindi naman lahat ng tao dito mayayaman. And what? May nakakuha na?

Thank God!

"How can we order that same edition?" Muling bumalik ang kaba ko sa tanong niya.

I faked a cough before pulling his arm.

"It's fine. Hindi ako bibili,"

"But you want that."

Mabilis akong umiling. Oo gusto ko, but that's not my top priority right now.

"We can contact the manila branch sir, if ever that you want to order that same edition, ipapadala po iyon dito."


"Rox, wag na." Seryoso kong sabi.

Nilingon nya ako bago taasan ng kilay. Seryoso lang akong umiling, pursigidong ipakita na ayoko talaga.

He sighed. "I'll comeback if she change her mind,"

He said without taking his eyes off me. Sinulyapan ko ang staff sa gilid na ngiting ngiti sakin.

Sa huli, fifty fifty ang nararamdaman ko ng umalis kami sa store na yon. Masaya dahil nagtagumpay ako, malungkot naman dahil gusto ko nga talaga iyon.


"You said you don't want that but your face is screaming the opposite,"

Napanguso nalang ako at hindi na sumagot. Pero agad din napawi iyon at napaltan ng gulat ng biglang pumulupot sa beywang ko ang kamay nya!

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now