Kabanata 11

3.5K 78 13
                                    


Kabanata 11

indenial

I was silent the whole time. I never had the guts to open my mouth, thanks to Alen that he made it easier. Siya ang nag pupunan ng ingay sa tahimik naming lamesa. I can't even process that we are all eating on the same table. Ramdam ko ang paninitig ni Kiarra at Rox sa akin. Samantalang si Alen ay mukhang may hinuha na sa nangyari kaya hindi nya na ako pinahirapan pa, when Rox is looking at me, Alen will open another topic para mapunta sakanya ang atensiyon ng lahat.

"Anong nangyari sa date nyo ni Arnold?" Sa unang beses ay nag salita si Kiarra, agad ko siyang nilingon dahil sa hindi inaasahang tanong.

Nilingon ko si Alen na nanahimik, samantalang si Rox ay nakatingin din sa akin, As if he's waiting for my answer.

"It's not a date," Nag iwas ako ng tingin at ininuman ang juice sa harap.

"Really? He's courting you diba. So It's a date!" I don't know what Kiarra's saying.

She knows that It will be awkward if we talk about that!

Alen barked a laugh to break the silence.

"Ano ka ba kiarra! Tayo naman talaga ang kasama ni Veronica ngayon, kaya hindi yon date. May nagkasalubong bang tao na bigla nalang nag date!" Nakangisi siyang umirap. "Ito talaga!"

Matapos non ay nagkayayaan nang umuwi. Plano ko sana ay kina Kiarra pa din ang sabay ko, but Alen decided for me and he asked Rox to take me home.  I never had a chance to decide because they Immediately left.

I sighed.

After what happen earlier, hindi pa kami nagkakausap. At ngayong nasa wisyo na ako, nahihiya akong humarap!

Nang balingan siya ay nahuli ko siyang tinatantiya ang aking reaksyon.

"S-saan ang kotse mo?"

It was a short silence. "This way, baby," Nag iwas ako ng tingin sa sinabi nya.

Kailangan ko na bang masanay sa tawag niya sakin? O kailangan ko siyang kausapin tungkol dito?

Now that we are in a relationshit, I think it's normal to call me that way. Kahit na sabihin pang hindi ko naman ito gusto, he has a reason for him to call me baby. Magtatalo lang ulit kami.

Maybe, I should just learn to control my emotions when Im talking to him. Yeah, better idea.

It was a silent trip nang makarating sa aming bahay ay tahimik akong nag paalam. Hindi ko na pinahaba at nauna akong pumasok. When I closed the door, I saw his car leaving.

"Anong nangyari kanina? Bakit mukhang umiyak ka pag dating nyo?" May bahid nang pag aalala ang boses niya.

Alen is my walking diary. Kahit na ang mga bagay na dapat ay sikreto ko lang, naiikkwento ko sakanya. He's the only one that I trusted too much. Kampante ako kapag ikunukwento ko sakanya ang mga bagay bagay. Isa pa, kung hindi sa kaniya, Kanino? Wala na akong ibang pamilya sa mundo'ng ito. Iisa nalang siya, tataguan ko pa ba ng sikreto?

Kinabukasan ay pumasok na ako. Sakto naman na pagdating ko ang pagsalubong ni Neil.

"Sabay na tayo! may meeting sa taas," He smiled.

Kakaunti ang staff na naiwan sa lobby. Siguro ang iba ay nasa taas na, kaunti lang din naman ang mga turista dahil maaga pa masyado para mag gala sila. Nang makarating sa tamang silid ay tahimik kaming pumasok ni Neil. May iilan'g napalingon sa amin kaya nahiya ako ng kaunti, nag sisimula na kasi. Umupo ako at nakinig ng tahimik. Halo halong staff ang naroon, sa tingin ko'y nasa singkwenta kami.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now