Kabanata 17

3.1K 68 0
                                    


Kabanata 17

alliance


Akala ko ay maiiwan ko na siya doon na tulala ngunit nagulat ako na bago pa sumara ang elevator ay nakaabot siya. Sinamaan nya ako ng tingin dahil sa ginawa kong pag iwan ngunit sa huli ay tumabi na din sa akin.

"Im true to my words. Ikaw itong nang aakit," His hand slowly crawled to my waist.

I swallowed. Kinakabahan dahil mukhang hindi na siya iritado at handa ulit mang inis.

"Hindi ako nang aakit. Kasalanan ko bang maganda ako?" I said proudly.

He laughed. Mas hinigit nya ako papalapit at hinalikan ang gilid ng aking ulo.

Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na ulit kami. Sinubukan kong mauna sa paglalakad ngunit mas dumiin ang hawak nya sa bewang ko kung kaya't hindi na ako nag matigas. People flocks our way nang pumasok kami sa venue. I tap his hand, expecting that he'll remove it but he didn't.

"Nakikita nila tayo," Kabado kong sambit.

Hindi ako kinakabahan dahil na baka pag usapan ako. Mas inaalala ko na ngayon ang reputasyon nya, at ang iisipin sakanya ng mga tao.

"Let them," Wala na akong nagawa ng lumapit sa amin ang isa nyang kakilala at hindi nya pa din inaalis ang hawak sa akin.

"Rox!" Kunwari pang nakipag apir ang lalaki ngunit sa akin naman nakatingin.

"I thought you're with Poleen?"

Nag iwas ako ng tingin sa lalaki. Nilingunan ko si Rox upang pakinggan ang sasabihin nya.

"As you can see, Tres. Im with my girlfriend," He said boringly.

Kumunot ang noo ko dahil sa kapilosopohan nya. That guy only laughed at him na para bang sanay na sa ugali ni Rox.

"I'd like to discuss something to you but I don't want to interrupt with your date," Tinapik nya si Rox sa braso at tinanguan lang ako bago umalis.

Para tuloy akong na guilty sa sinabi nya. Sana ay pinagusapan nalang nila iyon, ayos lang naman sa akin.

"That's Tres. Ace's brother," Nagpatuloy siya sa paglalakad habang katabi pa din ako. I don't know where are we going.

"Yup, I know him." Usal ko.

Agad ko namang nakuha ang atensyon nya, taka ko siyang tinignan ng tinitigan nya pa ako at bahagya pa siyang nahinto sa lakad.

"What?"

"You know him?" Naningkit ang mga mata nya.

"Oh comeon! Wala iyon. Kilala ko lang dahil lumaki siya dito. Stop doing that," I rolled my eyes at him.

He sighed. Nagpatuloy kami sa paglalakad at staka ko lang napagtanto na nasa gitna na kami ng napakadaming tao. Halos lahat ng napapaligid sa amin ay nakatingin na sa akin. Their curious eyes is all on me that makes me nervous. Hindi ko na namalayan na masyado na pala akong nag padala kay Rox, ni hindi ko manlang siya tinanong kung anong ginagawa namin dito sa gitna nang mga tao!

Nanlamig ang mga kamay ko ng unti unting lumapit sa amin ang pamilyar na babaeng kani-kanina lang ay pinagmamasdan ko. Hindi ko maiwasang kabahan lalo na ng magtama ang tingin naming dalawa. Kung kanina ay hangang hanga ako sa kagandahan nya, mas lalo ngayon! I think she is around forty's but it cannot be seen on her face. With her bold eyes and thin lips, alam ko na agad kung gaano siya kaganda noong kabataan.

But yes, kahit na humahanga ay hindi ako tinantanan ng kaba lalo na ng lumapit siya sa amin. She glanced at me for awhile bago balingan ang anak nya.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now