Kabanata 34

3.4K 75 5
                                    


Kabanata 34

Rest


"Veronica, ginulat mo naman ata kami sa balita mo, anak." Hindi ko alam kung nag aalala o naiinis ang tono ng boses ni tita Sally.



She doesn't look irritated, so maybe they're just shocked with what I've said. Naiintindihan ko naman iyon dahil ni hindi nila alam na may boyfriend ako, tapos ngayon ay bigla kong ibabalita na ikakasal na ako. I know their mind has a lot of questions, including who's my boyfriend? Why is it all of a sudden at bakit hindi ko pinakilala, kaya ganon nalang ang naging reaksyon nila.




Mamita and tito Allan didn't even say anything, siguro ay hindi nakapag salita sa gulat.




"Sorry po tita, ngayon ko lang nasabi," I sighed.



Sinulyapan ko si Alen na nanatiling nakatingin sa akin, nakikinig sa usapan habang kumakain sa hiniwa niyang apple kanina. Hindi siya nag sasalita at hinayaan akong mag explain kay tita, sinabihan ko din siya na huwag sumali sa usapan dahil baka siya pa ang mapagalitan.




"I know he's a good man. You know how I look up on him so much and how proud I am nung nakuha ko siyang architect ng bahay natin, but I want to know why this is happening? I mean....how?"



"I had a relationship with him tita before I went there in Canada..." Simple kong sabi.



Nanlaki ang mata ni tita sa screen, gulat sa sinabi ko.




"Hija, Suportado ka namin sa gagawin mo, we just want to know how everything happened. Ano? Kailan ang kasal para malaman na kung kailan kami uuwi? We want to formally meet him," Si mamita naman ngayon ang nag salita dahil si tita Sally ay hindi pa din makabawi.



I nodded. "Nag pplano palang po kami mamita, I'll update you once every thing is planned,"




Matapos noon ay pinatay ko na din ang tawag. I feel like we shouldn't talk about it through the phone, mas magandang pag usapan nalang sa pag uwi nila.




Rox and I have decided that the wedding will be held a month from now. Ang sabi niya ay ako ang bahala kung paano ang gusto ko sa wedding, he just want to be married with me as soon as possible kaya naman lahat ng pag papasya regarding the wedding ay nasa akin lahat, but of course he's always beside me, supporting everything I want.




It was a monday afternoon at tirik pa ang araw, Rox is on his meeting with the board members of RFI and he's with Rixon. Napag alaman ko din na ang company na ito ay si Rixon ang may hawak, he's the CEO of Razon's Furniture International.




Yeah, he's already the CEO but still a jerk. Walang pinagbago.




"Ma'am saan po kayo pupunta?" Salubong sa akin ni Inna, secretary ni Rox.




Lumabas ako ng opisina niya dahil nababagot ako at bigla akong nag crave sa coffee, iintayin ko sana si Rox ngunit ang sabi niya kanina ay matagal ang meeting na iyon.




"Si Rox? Akala ko nasa meeting kayo?"



Inna smiled at me. "Pinapa check po kayo ni sir sa akin, baka daw po may kailangan kayo?"



"Ah, tell him na may bibilhin lang ako sa kabilang street. Babalik ako,"




Nag aalinlangan pa ang tingin ni Inna sa akin, hindi alam kung hahayaan na ba akong umalis o pipigilan pa ako. Siguro ay inutusan siya ni Rox na ibigay lang sa akin ang kung anong kailangan ko at huwag akong paalisin.




Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang