kabanata 22

3K 71 22
                                    


Kabanata 22

Architect

Hinahabol ko ang aking hininga ng makarating sa aking hotel room. Kahit noong nasa lobby ay mabilis ang lakad ko na para bang sinusundan ako ng mga ungol na iyon, staka lang napanatag ng marating ko ang mismong silid.



Dahil sa hirap maglakad sa buhanginan at sa pag manadali ko, tagaktak ang pawis sa aking noo ganon na din ang buo kong katawan. I can feel my heated cheeks and my shaky hands because of what happen. Hindi ko sila nakita pero tangina narinig ko!



Nasapo ko ang akinng noo ng mapagtanto nalang kung anong nangyari sa unang araw na pag babalik ko.




I didn't expect that. A part of me is disappointed, at ang kalahati ay hindi pa din maiwasang mandiri sa mga naririnig. Seriously? Bumalik ako para lang marinig ang ungol ng babae nya? Tangina.




Though, I can't blame him. Simula palang ng planuhin ko ito ay naisip ko ng baka may bago na siya, pero hindi ko naisip na maririnig ko sila!




My face heated more when a girl pleasuring my man plastered on my mind. Ilang beses kong pinilig ang ulo but i just couldn't erase it!




Nagdesisyon akong maligo nalang at mag babad sa bath tub ng malagkitan sa sariling pawis. Kakaligo ko lang bago ako bumaba pero dahil sa ginawang pag takbo ay pakiramdam ko ang dumi dumi ko na.



Things started cirling in my mind. Pinaglaruan ko ang mga bula na nakabalot sa akin, nag sisilbing takip ng aking katawan mula sa malinaw na tubig, habang tulala at iniisip ang mga bagay bagay. Akala ko ay madali lang bumalik at tanggapin ang katotohanan na may bago na siya, kung mayron man, pero iba pala kapag totoong nangyayari na. Iba pala kapag nasa mismong sitwasyon kana. Yung tipong andami mong pinlanong pang-salo, but it feels like none of it will be able to help you.





Halo halo ang nararamdaman ko ngayon, madaming feelings ang hindi ko nanaman mapangalanan. Hindi ko na alam kung alin ba ang totoo but i know what is dominant. At iyon yong bagay na tumutusok sa aking puso, the momment na malagay ako sa sitwasyong ito. Im hurt.



Im currently sipping on a glass of wine while playing with bubbles when my phone rang for a call. Agad kong sinagot iyon ng makita ang tawag ni tita Sally.




"Tita...." Pahina kong sambit.



"Veronica! Ngayon lang ako nakatawag at kagigising ko lang. How was your flight?" Bagong gising ang boses ni tita Sally sa kabilang linya.


"Fine..."



"How about the hotel? Are you comfortable there? May kailangan ka pa ba?"



Am i?



Matagal bago ako nakasagot dahil sandali ko pang pinag isipan yon.



I sighed. "Im fine po. Wala na po akong ibang kailangan,"


"Ganun ba? 'O sige, you seems so tired, gabi na jan at mag pahinga ka na."



"Opo. Thank you tita,"



"I'll call back tomorrow! Sige na,"




Matapos ang tawag ni tita ay nag pasya na din akong umahon. Matagal na akong nag bababad at kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko kaya mabuti pang ipahinga ko nalang ito.




Kinabukasan ng magising ay wala akong ibang maisip na gawin. Hindi rin ako makababa dahil hindi ko inakalang sa ilang taon kong paghahanda na makita si Rox ay ngayon pa ako naduwag. Natatakot akong makita siya sa baba after five years, tapos kasama pa niya yung girlfriend nya. That's kinda awkward.




Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now