Kabanata 7

3.4K 72 1
                                    

Listen to synesthesia by mayonnaise, para feel nyo ko okay? haha

Kabanata 7

mad

Seven days. Seven days nang wala si Rox. Bawat araw na yon ay hindi ako makahinga, pakiramdam ko ay darating siya, tuluyan lang na nakakalma kapag sumapit ang alas sais at uuwi na ako ngunit hindi ko siya nakita. It was heaven for me. Pabor sana iyon sa akin, kaso yung utak ko, hinahanap hanap ang mangungulit sakin sa umaga. Pero wala. Ikalimang araw ay pinaalalahan ko ang sarili kong huwag na siyang isipin. Agad naman akong nasanay dahil parang balik ako sa dati ng ika pitong araw. Ngayon sana ang Ikawalo.

Naka assign ako sa tent sa labas nang dumating si Neil, Kanina ay nag kkwentuhan kami dito. Mag aalas kwatro pa lang at Alas Dies pa ang out ko kaya mahaba pa ang oras.

"Akyat daw sa helipad lahat ng staffs," Si Neil na agad inayos ang mga gamit na pwedeng maiwan sa lamesa. Tumulong na din ako.

"Bakit daw?"

"May sasalubungin ata, baka si Mr. Apollo," Agad akong kinabahan sa sinabi ni Neil.

Darating si Mr. Apollo. It could be the reason kung bakit wala si Rox nang ilang araw? Sinundo ang papa niya?

I sighed. It's been one week. Sana ay nakalimutan na niya ang lahat. Sana ay natauhan na siya na hindi siya dapat kumakausap ng isang staff. At sana, uh, nalimutan na niya yung ginawa ko.

Umakyat kaming lahat sa helipad ng Hotel. Pinapila kami ng dalawang linya at lahat ay naka harap sa red carpet. Hindi ko pa nakikita si mr. Apollo sa personal. But base on his picture sa lobby, he's handsome and intimidating. Screaming in power and authority, gaya ng anak nya.

Nilipad ang buhok ko nang unti unting lumapat ang chopper nila. Ganon kayaman ang binangga mo Verone. Hindi na ko mag tataka kung isa sa mga araw ay bigyan na ako ng goodbye letter.

Unang bumaba sa chopper ang isang damakmak na bodyguards. Kinabahan ako nang isang lalaki ang lumabas. I thought it was Rox! Pareho sila nang katawan, parehong maskulado at...gwapo! Aside that he looks more younger than Rox. Ang sumunod ay ang lalaking mas matanda. Inalalayan siya sa pag baba. He is mr. Apollo? May sakit siya? Tumango ako nang mapagtanto kung bakit hindi ko siya nakikita sa hotel. Siguro ay nag papagaling sa ibang bansa.

Everyone's focus is on him, but my eyes fixed on a beautiful lady in white, pababa nang chopper na nakakawit ang braso kay Rox.

Seeing them so sweet while leaving the chopper, I concluded that she's Poleen? Or she's just some of Rox girl since he's a fuckboy?

My heart hurt. Why?

Nag iwas ako ng tingin, sa dami nang staff, hindi naman siguro mapapansin na wala ako. At isa pa, ano ngayon kung wala ako? Hindi naman mahalaga don ang presensya ko.

Pag baba ko sa lobby ay napatingin ang guard sa akin, nagtataka kung ba't ako palang ang nababa.

Lumapit ako sa tent at sakto namang nakita kong may padating na tourist na galing lang sa dagat.

"Can I have towel, please?"

"How many po?" I smiled.

"Isa lang," I nodded.

Ibinigay ko sakanya ang towel.

"Ang ganda mo ms, gusto mong mag artista?" At first i thought she was joking kaya ngumiti lang ako.

"You want?" Nagulat ako nang mas maging seryoso siya.

"Uh, gusto ko. Pero hindi pa ngayon, My life is here in Paseo de Luna," She nodded.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now