Kabanata 15

3.4K 87 3
                                    

Kabanata 15

mood

Tahimik akong nakikinig sa sinasabi ng pari sa unahan. Napakadaming tao ngayon sa simbahan dahil araw ng linggo. Kahit na may misa naman ng gabi ay mas madami pa din ang gustong dumalo sa pang umagang misa, kagaya namin ni Alen. Simula kasi ng makapagtrabaho ako ay hindi na ako nakapag simba, kaya ngayon ay gusto kong bumawi.

Kasalukuyang nagbibiro ang padre at hindi mapigilang matawa ng iba, maging ako ay ganon din.

"Palabiro talaga si father," hagikgik ni Alen sa aking tabi.

bahagya ko siyang nilingunan upang mapakinggan sana ang sasabihin, ngunit nahinto ako ng matanaw ko sa kabilang dako ng simbahan ang pamilyar na anyo.

Ang pagkakaalam ko ay hindi naman siya nag sisimba, ngunit bakit andito siya? O baka naman, nagsisimba na siya ngayon at huli na ako sa balita?

Hindi sigurado sa nakita, marahan kong kinulbit si Alen para maituro ko din sakanya.

"Alen," But he's not paying attention.

Maganda kasi ang leksyon ng pari kaya tutok ang lahat.  Tutok din naman ako kanina kaso hindi ko maisawalang bahala ang aking nakikita.

"Alen," For the second time, kinulbit ko siya.

"Hmm?" Hindi pa din tumitingin sa akin.

"Tignan mo iyon, diba si Kiarra yon?"

Hindi talaga ako sigurado dahil kahit nasa bandang likuran siya, nakasuot ng sumbrelo ang babae dahilan upang hindi ko lubusang makita.

He laughed. Nang muli kong lingunin ay hindi pa din nakatingin sa akin. Akala ko ay sakin siya natatawa, dun pala sa sinabi ng pari.

"Alen, tignan-"

"Shh!" Natigil ako sa pagsasalita ng sawayin kami ng ginang sa likod.

Tatarayan ko na sana kaso alam ko naman na ako ang mali. Wala akong nagawa kundi hindi na ito pansinin at makinig nalang din sa unahan.

Hindi ko alam kung anong bumabagabag sa akin. Buong misa ay lumulutang ang aking isipan. Ni hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi ng padre kakaisip kung si Kiarra nga ba ang nakita ko. At kung siya nga iyon, ano naman? masama na bang mag simba siya dito?

Sadyang ang kaisipan lang na hindi naman siya nagsisimba ang bumabagabag sa akin. Kung siya man iyon, siguro ay napagdesisyonan nya nang maging relihiyosa.

Natapos ang misa at muli kong tinignan ang gawi ng babae kung san ko ito nakita, pero wala na siya don.

"Hmp! ang ingay ingay, ang ganda ng leksyon ng pari ayaw pang makinig!"

Natigil ako sa paghahanap sa babaeng iyon ng mag salita ang ginang na sumuway sa akin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit inirapan lang ako.

Binalingan ko si Alen na ngayon ay nakangisi, hindi naintindihan na ako ang tinutukoy ng babae.

Buti nalang din at hindi nya naintindihan, tiyak na susugod yan kapag nalamang ako ang tinutukoy. 

Palabas ng simbahan ay medyo mahirap, madaming tao kung kaya't masikip ang daanan. Minabuti namin na mag pahinga nalang muna sa tabi at hayaan mangaunti ang mga tao kesa makipagsiksikan palabas.

"Nakikita mo andaming tao," Nilingunan ko si Alen na ngayon ay napaismid. "ilan kaya jan ang may lihim na galit sayo?"

Nagulat ako sa biglaan nyang sambit. His gaze is all on me. Dahil sa sinabi nya, libo libong kaba ang dumapo sa akin. Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok sa aking isipan lahat ng mga pagbabantang natatanggap ko. 

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now