Kabanata 20

3K 70 3
                                    


Kabanata 20

Last

Sobra sobrang kahihiyan ang idinulot sa akin ng huli nyang sinabi. Kaya naman ng tumalikod siya at nag punta sa kung saan ay kinuha ko na agad ang oportunidad na iyon upang makaalis sa kubo namin.

I don't know where to go. Ang plano kasi ay mag aayos muna kami ng kanya kanyang gamit at didiretso sa lobby para doon na mag almusal. Hindi naman ako pwedeng pumunta kina Alen dahil mang uusisa lang iyon, kaya naisipan kong mauna nalang sa lobby ng villa.

Kagat ang aking labi ay nanghihina kong tinignan ang aking dadaanan. Alas dies na kung kaya't mainit na ang araw, malayo pa din ang aming villa sa lobby kaya sa tingin ko ay mahihirapan ako sa aking gagawin. Sana pala ay nag pasundo ako sa van? Pwede naman siguro iyon.

But then speaking of pasundo, how can i do that if i forgot to bring my phone with me!? Fuck. This is so frustrating!


Wala akong nagawa kundi lakarin nalang ang mainit na daanang iyon. While walking, i was really hoping na madaanan ako ng service nila. Pero malayo na ang nalalakad ko ngunit wala pa din kahit isa. Hanggang sa natanaw ko na ang main lobby ng buong resort kung saan kami pumasok.

I sighed.

It was hella tiring!

Pag pasok pa lamang ay kaliwa't kanan na ang bumati sa akin. Tipid na ngiti ang aking iginawad bago suyuin ang daanan papunta sa kung saan nakahanda ang buffet.

I was about to go that way, ng umagaw sa atensyon ko ang pamilyar na rebultong nakatalikod mula sa akin. She's in her phone, fuming mad about something.

Anong problema ni Kiarra? Bakit andito agad siya and why is she damn mad to whoever she's talking to?

I don't want to eavesdrop but im really curious about her problem.

Nakatayo siya ngayon sa madilim na sulok ng lobby, kung saan malapit ang staff room kaya wala masyadong dumadaan.

"Mom, i have plan B alright? I know!... It's just that i didn't know that he'll come with us!"

He'll come with us? Sino? Si Rox?

Dahil sa sinabi nya ay mas lalo akong naging kuryoso sa kung anong meron kaya mas lumapit pa ako, kung kanina ay nais siyang tawagin, ngayon ay hindi ko na alam.

There's a part of me that is telling me to hide, because i want to know the truth. Hindi ko alam kung anong katotohanan iyon, pero gusto kong malaman.

I bit my lower lip as i hide myself behind the wall, bago pumasok sa madilim na hallway nayon.

"I don't know if it's safe to continue the plan. Hindi ako sigurado, mom..... Yeah, maybe next time,"

Anong plano? May plano sila ni Rox? What does she mean?

Kanina ay binanggit nya si Rox, ngayon naman ay yung plano nya. What are their plans? And....They have plans?

Parang pinana ang puso ko sa nalaman, yun nga lang at hindi si kupido ang pumana kundi si satanas. Ang mga punyal na tumama sa akin ay masakit, at ang mga punyal na iyon ay ang mga bagay bagay na narinig ko kay Kiarra. I don't know what are their plans. Are they... cheating on me?

Rox is cheating on me?

Kaya ba gusto nyang sumama nung sinabi kong kasama si Kiarra?

Kaya ba panay tanong siya tungkol sa aking kaibigan?

The reason why he ask a lot is not because of his curiousity, but because he's interested?

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now