Kabanata 3

3.9K 88 1
                                    

Kabanata 3

possible


It's my second day in work. Kahapon ay hindi ko naman nakita ang lalaking yon. Siguro ay sa laki ng hotel, imposibleng mag pang abot pa kami palagi.

Working and having experience is nice. I just think that it would be nicer kapag may makakausap ka sa trabaho. Masyadong mailap sakin ang mga tao dito. They don't talk that much, hindi naman sila bastos pero mukhang mas gusto nilang mag focus sa trabaho. Inintindi ko yon, not until nang makita kong nag uusap naman ang iba, It's fine na mag usap, pero pag sa akin ay busy sila? I don't mind. If they are really busy or they just don't want to strike a convo with me.

"Good day, welcome to hotel de Luna! here's the form," I smiled at the lady infront of me. She smiled back.

Nag fill up siya sa ibinigay ko at matapos non ay muli siyang bumaling sakin, I was about to say something nang unahan ako ni Zara, ang katrabaho ko.

"Here are the hotel packages that you've booked. Including some of our activities," She smiled sweetly at the lady. It was very awkward for me cause Im the first one who entertain the customer, tapos inagaw nya. Hindi tuloy alam ng babae kung sinong kakausapin. I sighed.

Matapos non ay tinignan nya ako, "You just don't give them the form. Hindi lahat ay walk-in, karamihan ay naka booked na." Malamig nyang sambit, hindi ko inakalang magsasalita pa siya.

I nodded. So i guess it's my fault?

Masyadong busy ang front desk nang umaga, kaya naman nang mag tanghali ay hindi ko maintindihan kung bakit inassign ako bigla nang manager ko sa restaurant.

"Verone, please assist at the resto. Naka off ngayon ang manager at sobrang busy, nagkukulang sa staff!" Nagpapanic na saad ng manager ko.

Agad ko namang sinunod ang utos nya at pumunta sa resto malapit sa lobby. Mas lalong bumilis ang kilos ko ng makitang andami ngang tao doon, at halos lahat ay purong galing sa first class. people from second to third don't usually eat here, masyadong pormal ang resto na ito at mamahalin, kaya mas gusto nilang i try ang pagkain sa iba.

Not trained of what should I do in restau, Pumasok ako sa kusina at nag tanong nang maaring maitulong.

"Naku po mam! pwede po bang ikaw nalang ang mag dala nito kay sir Rox? Table five po si sir!" Tumango ako sa isang babaeng waiter at sinunod ang inutos nya.

Tulak tulak ang cart na may lamang first course, nilibot ko ang paningin sa buong resto para hanapin ang table five. Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ako sa lamesang iyon.

That arrogant guy is sitting while his laptop is infront of him. Madaming papeles sa lamesa at mukang busy'ng busy siya. I wonder bakit dito nya naisip mag trabaho? Obvious naman siguro na hindi ito magandang working place dahil bukod sa crowded, ay lugar ito para kainan.

I composed myself kahit na iritado ako sa kaisipang pagsisilbihan ko ang mayabang na yon. Alright, Verone! chin up! act professional!

I fake a cough nang makalapit ako. He didn't even bother to look at me.

"Here's the first course," I said. Nilingon nya ako at pinag taasan ng kilay. Gulat ang nasa kanyang muka at sa huli, unti unting napangisi.

"You're working here?" He licked his lower lip. Napatingin ako doon at agad na napalunok. Binaling ko ang tingin ko sa mapangasar nyang muka.

"Obvious ba?" Hindi ko naiwasan magtaray.

Fuck! Verone fix your attitude! anytime now, pwede ka nyang ireklamo!

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now