Kabanata 4

3.6K 89 5
                                    

Kabanata 4

care


The next day, sobrang kabado ako sa pag pasok. Tumatakbo pa din sa isipan ko na paano kung siya nga ang may gawa nun? Sinumbong nya ako dahil tinarayan ko siya?

Sandali, bakit parang kasalanan ko pa? Siya naman ang nauna ah? Kung hindi nya ako niyabangan, hindi ko naman siya tatarayan. Wala naman siyang ibang maipagmalaki kundi yung mga body guards nya! Ang laki laki na may bantay pa, ano yun bata?

Padabog akong bumaba ng hagdan nang mapagtanto kong hindi ko kayang pigilan ang inis ko sakanya, kaya ang desisyon ko ay umalis nalang sa lugar kung asan siya.

Magagawa ko naman kaya yon? I hope so. At dapat lang na magawa ko yon because that's the only way!

Nang makarating sa hotel ay inassign agad ako sa labas kung nasan ang sun lounger. Ang uniporme ko ngayon ay ang poloshirt na dilaw na may logo ng hotel at pencil cut shirt na kulay white. Pinag rubbershoes nalang ako dahil sa labas ang task ko, more on pabalik balik at puro lakad.

Nakahinga ako ng maluwag, palabas ng hotel ay nakita kong nasa Resto ulit si Rox. Siguro ay magtatagal ulit siya doon gaya ng kahapon? Sana nga! Para hindi na kami magpangita.

"Veronica, Pakidala tong towel sa labas, madaming nag sswimming at baka kulangin ang towel doon," Tumango ako kay Ms. Rada ang manager ko at tinanggap na ang towel na inabot nya.

Palabas ako ng hotel lobby nang masulyapan ko si Rox sa resto na palinga linga, akala ko ay nag hahanap nang waiter pero tatlo naman ang bakante'ng waiter. Siguro'y may iniintay? I don't know.

Diretso ako sa labas at agad sumilong sa ilalim ng tent para sa mga staff. Dito rin nakalagay ang iba pang kailangan ng mga tourist na nag bababad sa dagat, para hindi na sila pumasok sa loob kapag basa.

May upuan naman sa tent pero as much as possible, tumayo daw kami para mas mag mukang approachable.

Naging busy ako ng umaga, ilang beses akong nagpabalik balik sa loob. Kumukuha nang mga bagay na kailangan agt kapag naman may gustong umorder ng pagkain, itinatawag ko nalang sa telephone nang resto. Buti nalang at may ganoon, para hindi na ako pumasok pa.

Ala Una nang muli akong pumasok para makapag lunch break. Palabas sa lobby ay muli akong napalingon sa hotel. To my suprise, Rox is looking at me! Agad na dumapo ang kaba sa akin. He's looking at me intently, tinitignan ang bawat hakbang ko. He clenched his jaw. Agad ko siyang inirapan to cover up my nervous aura. Tanginang titig yan!

For the first time, umupo ako sa tent. Hingal na hingal ako na para bang tumakbo, ultimo ang kasamahan ay nilingon na rin ako.

"Okay kalang?"

I nodded.

Agad akong uminom nang tubig para mabawasan ang kaba. For the second time, my heart is pumping so fast!

Hinawakan ko ang aking dibdib at sandaling nakiramdam. I was about to stand up nang dumaan sa harap ko ang pamilyar na rebulto. Carrying his laptop on his left hand, tinaasan nya ako ng kilay bago dumiretso sa isang sun lounger.

Fuck! Nakita nya kayang chinecheck ko yung heartbeat ko matapos naming magkatinginan kanina? Hala!

"Hello, ms. Rada?" Nilingon ko ang katrabahong lalaki na sinagot ang tawag ng manager namin sa telephone.

"Andito po... Sino po?... Sasamahan po? Okay po," Nakatingin sa akin si Neil habang kausap niya ms. Rada.

Pag kababa ng telepono ay humingi ako sakanya ng sagot dahil paniguradong ako ang pinag uusapan nila.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now