Kabanata 23

2.9K 71 1
                                    

Kabanata 23

Textmate

"How was the design, 'nak?" Sumimsim ako sa kape'ng tinimpla habang nag titingin sa laptop ng impormasyon tungkol sa Architecture firm ni Rox.


Pinatong ko lang patayo ang cellphone ko at sinandal sa vase na nasa lamesa para makapag video call kami ni tita habang ginagawa ko 'yon.


"It's fine, tita. Walang pintas, but...are you really sure about this?" Tumaas ang kilay ko matapos buksan ang isang article na nag lalaman ng isa nanamang achievements ng company nila sa taong ito.

They are having partnership with the biggest Construction company in the Philippines, the Jacobo Prime Engineering and Construction. Wow. Ang goals naman nila kung si Ace Jacobo din ang may hawak noon. I mean they are bestfriends, tapos partner pa in business?


"I mean tita....Baka malaki ang singilin sa atin,"

Nag scroll pa ako sa mga article na iyon at listahan ng mga achievements nila. Mahaba iyon pero wala pa akong nakitang nag tayo siya ng bahay sa taong ito. Siguro ang mga tauhan sa firm nila pero yung siya mismo? Wala!

"No worries, napag usapan na namin iyan at binigyan ako ng discount ni Architect," Nilingon ko si tita dahil sa sinabi nya.


Bahagya pa siyang natawa ng makita ang gulat kong reaksyon.


"'Nak, we've talk about it already. I assure you, hindi tayo mapapasubo dito. I just need your opinion about the design,"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Bakit tinaggap ni Rox ang project na ito? At ngayong tinanggap nya, kami dapat ang nagpapatong ng presyo to convince him, kaya sobrang naguguluhan ako kung bakit siya pa ang nagbibigay ng discount knowing na hindi siya basta basta!

There are things that is trying to enter my mind, i couldn't let it. That's impossible, i mean.... zero percent of chances will be given! Ganong level!


I contact attorney's number to find more information about Rox. I mean, about his work! Nag tanong ako kung saan ang opisina nya dito sa Paseo so that i could talk to him. Naisip ko din na pwedeng si Engineer Alonzo nalang ang kausapin ko para mas madali, but then i also remember that this is one of my chances that i have to take, pabor sakin at isa pa, tungkol naman sa design ang mga pag uusapan namin kaya dapat lang na siya ang kausapin ko.


Tiningala ko ang mataas na mansyon ng mga Razon kung saan ako binaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit parang biglang nawala lahat ng tapang na naipon ko kanina. Staring at the adress that Attorney Juanco had given to me, hindi ako makapaniwala na adress pala iyon ng mansyon nila. The hotel's driver didn't even bother to ask why am i going here after i showed him the adress! Parang gusto kong umurong at huwag nalang ituloy ang plano.

Im very confident to win his back, pero hindi ako handang balikan ang mga bagay bagay na parte ng nakaraan ko. Siya lang naman ang nais kong balikan dito, wala ng iba.

I was about to take a step away, nang mapansin ako ng guard na nag babantay.


"Ano pong kailangan nyo?" Masungit ang boses nito na animoy iritado sa aking presensya.

I swallowed two times before answering him.

"Uh, kay Rox po sana. Kuya nariyan ba siya?" Sinulyapan ko ang malayong mansyon mula dito sa gate, tahimik at walang tao.

Baka wala siya rito?

The guard eyed me from head to toe, maybe wondering why I called his master with first name basis.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now