Kabanata 8

3.3K 72 1
                                    

Kabanata 8

Work

Tapos na akong umiyak. Wala nang lunalabas na luha sa akin pero mugto pa din ang mata ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kalmadong pool ng rooftop. Pinaghalong hiya at inis ang nararamdaman ko ngayon. Hiya dahil iniyakan ko si Rox, inis dahil... Bakit ko siya iniyakan?

Kinuwento nya sakin ang lahat. Poleen is his childhood bestfriend. Simula bata ay magkasama sila, umalis siya ng Paseo para sunduin ang papa niya sa London. Nang dumaan sa manila ay sumabay si Poleen dahil dito rin daw ang hometown non.

I was a bit hesitant at first, hindi ko alam kung maniniwala ba ako. But then his eyes says it all. Para bang nagsasalita ito at nanghihipnotismo na maniwala ako sa kanya. And I did.

Matapos kong iiyak ang lahat ay staka ko lang napagtanto, bakit ako umiyak sa kanya? Bakit sa harapan niya? Gusto kong i rewined ang lahat at magpanggap nalang na walang pakeelam. Pero nangyari na, ano pang magagawa ko?

Galing sa counter ay umupo siya sa tabi ko, dala dala ang isang water bottle. Yung akin kanina ay natapon kaya bumili ulit siya.

Inabot niya sakin ang tubig pero inirapan ko lang ito. What now? matapos niyang biglang umalis ng walang paalam, babalik siya na parang walang nangyari? galing ah!

"Veronica, drink." Mariin niyang utos.

Sino siya para utusan ako?

But then I remember, presidente pala siya ng hotel na pinag ttrabahuhan ko.

I glared at him bago ko tanggapin ang tubig.

Uminom ako ng kaunti at isinara na iyon. I put it beside me pero agad akong nahinto sa ginawa ni Rox. He's standing infront of me at pinunasan ang mukha ko gamit ang kanya panyo. It smells exactly like him!

Para akong batang nakatingala sa kanya habang ginagawa iyon sakin, masama pa din ang tingin pero walang ibang nagawa.

His lips rose a bit nang maramdaman ang paninitig ko. He lick his lower lip and try to concentrate.

"May trabaho pa ako," Agad akong tumayo para matigil siya sa ginagawa nya.

He sighed. "You should rest," nag aalala nyang sambit. "I'll come with you..." He bit his lower lip.

Kunot noo ko siyang tinignan. "Wag na, balikan mo nalang ang kababata mo 'dun," Hindi ko alam, gusto ko lang namang sabihin iyon ng normal pero ibang dating ang lumabas sa bibig ko.

May halong iritasyon at panunuya, hindi ko yon sinadya.

He glared at me. Nag iwas lang ako ng tingin. "Alis na ko," Hindi ko na hinayaang mag salita pa siya, I have to go to work.

Kahit na sabihin pang siya ang kasama ko at hindi ako mapapagalitan, ma chichismis naman ako. Kaya huwag nalang mag pahinga, mag trabaho nalang ako.

But I don't think it's a good idea. Sobrang lutang ako ng makabalik sa shop. Ni hindi rin ako nakapag trabaho dahil sa mga iniisip.

Una ay kung paniniwalaan ko ba si Rox? Pangalawa ay kung bakit ako umiyak sa harap nya. Baka kung anong isipin nun. Hindi 'baka,' may iniisip na talaga yon na kung ano sa akin. At kung ano man ang iniisip niya, hindi yon maganda. Napadpad ang isipin ko kay Poleen. Kababata siya ni Rox? pero halata namang may gusto siya dun. Flirt. Pero ang sabi ni Rox ay hindi naman niya gusto, sinasamahan lang daw. Pero kahit na, ang ganda ni Poleen. Nakita ko kanina ang mamahalin nyang bag kaya for sure mayaman. Walang pintas, mukhang maganda din ang ugali nang ngitian ako. Talo ako dun, ang taray ko kaya.

Kinabukasan pagkapasok, hindi ko alam kung saan ako naka assign. Walang tinext sa akin kagabi kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Tawag ka ni ms. Rada," bungad sa akin ni Zara pagkapasok ko sa lobby.

Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now