Kabanata 25

2.9K 66 4
                                    

Hi! I hope while you're reading this, you're in a safe place and situation. Keep yourself sanitize!
————————————————————————————————————————

Kabanata 25

Turn

"Shit!" Napamura ako ng makita ang cellphone ni Rox sa loob ng bag ko.


Narito na ako sa hotel at mag aayos na sana ng gamit ng iyon ang bumungad sa akin.

"Mygod? Andaming pwedeng kalimutan, ito pa talaga," napailing nalang ako habang tinitignan ang cellphone na yon.


Yes, pwede din maging dahilan iyon ng pag balik ko sa opisina nya but that would look suspicious! I mean, baka isipin nya pa na bakit huli ko ng ibinigay at hindi ko na abot sakanya kanina kung matagal na palang nasa akin iyon? Baka kung ano pang isipin non. At isa pa, bukod sa baka kailanganin na nya tong phone na to, pupunta naman talaga ako sa opisina nya bukas kahit pa wala sakin ang cellphone nya.




Kaya ang tanga lang na hindi ko pa naibigay kanina!


Matapos kong mag ayos ayos ay hinila rin ako ng antok dahil maaga akong nagising kanina. Alas singko ng magising ako at sumilip sa veranda, ng makita ang magandang lagay ng panahon at ang kumikinang na dagat, para akong nahikayat na lumangoy kahit sandali.


Dahil wala naman akong ginagawa at hindi naman tumatawag si Alen, nag pasya akong mag swimming nalang sa baba para malibang muna. Nag suot ako ng itim na two peace atsaka ko pinatungan ng puting dress para hindi ako skandaloso mamaya sa lobby. Bumaba ako na iyon ang suot at hindi na nag dala ng aviators dahil halos palubog naman na ang araw.



Wala masyadong tao dahil kakatapos lang ng bakasyon, kaya naman mas lalo akong ginanahan sa pag swimming. I removed my dress and place it under the sun lounge i chose, nag lagay ako ng sun block kahit hindi na mainit para makasigurado. After five minutes of waiting, staka ako nag tampisaw sa dagat.


Nangingiti kong sinalubong ang pag hampas ng alon sa aking binti. Every step i take, palalim ng palalim ang tubig. Hindi ko alam kung marunong paba akong lumangoy, back when i was still here in Paseo, hassler ako sa ganitong bagay. But because im flying for years, hindi ko na matandaan kung ano ba ang pakiramdam ng lumangoy na parang serena. I flew like an eagle, soaring high, dreaming high. Without me knowing that Im a mermaid, destined to swim.


Ngayon ko lang napagtanto na kahit ilang taon pa akong lumipad, lumayo at abutin ang pinaka mataas, isa pa rin akong serena, na babalik at babalik dito sa Paseo. Para akong si Ariel na nangarap na magkaroon ng paa, at pasukin ang mundo ng iba, mundong hindi sakin, mundong hindi ako sanay. But at the end of the day, dito rin pala ako babagsak.

Kahit ang layo na ng narating ko, pataas man o palayo, babalik at babalik rin pala ako sa aking kinalakhan. And this is not because i have to go back, but because i want to.


These are my realization after that swim.

Habol ang hininga ay umahon ako sa pag kakalangoy. Nilingon ko ang likuran kung saan ako nanggaling, bahagyang nagulat ng makitang malayo na ako sa isla. Nilingon ko ang ilalim at madilim na kahel na ang aking nakikita, senyales na ako'y nasa malalim na parte na ng karagatan.


"I can still swim!" Napasigaw ako sa tuwa kahit alam kong wala namang makakarinig sakin.


Niligon kong muli ang isla at hindi makapaniwalang ganon na pala kalayo ang nalangoy ko. Sa sobrang haba ng aking iniisip, hindi ko na namalayan na napalayo na pala ako. With smile on my face, nilingon ko naman ang kabilang bahagi ng karagatan kung saan wala akong ibang makita kundi dagat, alon, at ang pag lubog ng araw.


Love Of Mad Waves (Paseo de Luna Series) #1Where stories live. Discover now