CHAPTER 3

4.1K 85 1
                                    

Hindi magawang makapagfocus ni Ainaeco sa ginagawa niyang gown dahil sa nangyari sa kanila ni Zachary isang linggo na ang nakakalipas.












Hindi niya alam kung bakit niya hinalikan ang lalaki gayong may kasintahan siya, kaya pakiramdam niya ay pinagtaksilan niya ang kasintahan niya.












Napawi ang iniisip niya ng marinig ang tatlong katok sa pinto ng opisina niya.














"Come in" she said and sit on her swivel chair facing the glass table.













Saktong pag-upo niya ay pumasok si Mik, ang isa sa pinakamasipag niyang staff. Nakangiti itong pumasok habang may hawak na folder.












"Gabi na po, Ms. Ai. Hindi pa po ba kayo uuwi?"













Napangiti siya sa tinuran ni Mik bago sinagot ang tanong nito.












"I still need to finish this gown, next week na kasi kailangan ni client ang gown na 'to kaya kailangang madaliin" aniya at ngumiti naman ito bago iniabot ang hawak nito.












"'Yan po ang mga new client na gustong magpagawa ng gown sa inyo. You still need to check it if ever na tatanggapin niyo po or hindi" paliwanag nito kaya binuksan niya iyon at chineck.













"Okay. Let's accept those clients but of course, I need you to help me with those clients, okay?" Nakangiting turan niya na tinanguhan nito na may ngiti sa labi bago nagpaalam na uuwi na.













Paglabas ng staff niya ay chineck niya ang cellphone niya pero isang malalim na buntong hininga ang naibuga niya ng wala man lang text mula sa kasintahan niya, kaya nagpasya siyang tawagan na ito.













Tanging pagtuktok sa lamesa ng mahaba-haba niyang kuko mula sa hintuturo ang maririnig sa loob ng kanyang opisina habang nagriring ang cellphone niya.













"Yes, Hello?"












Laking tuwa niya ng sa wakas ay sumagot ito pero napawi iyon ng imbis na boses ng kasintahan niya ang marinig ay isang boses babae ang narinig niya.













"Hello?" Muling saad ng babae pero imbis na sumagot ay binaba niya ang tawag.













Wala siyang ibang magawa kung 'di mapabuntong hininga. Ilang beses na ba niyang nahuhuli ang boyfriend na may kasamang babae? Kahit hindi nito sabihin ay alam niyang may iba itong babae maliban sa kanya.












What will I do to you? Tanong na lumabas sa kanyang isipan habang inaalala ang mga panahong nahuhuli niya ang kasintahan na may mga kasamang babae at kadalasan ay nahuhuli niya pang naglalampungan.













"Don't let that memories ruin your day, Ainaeco" parang wala sa sariling sabi niya sa sarili habang naglalakad patungo sa sewing machine at pinagpatuloy ang naudlot niyang pananahi.













Pinagkaabalahan niya ang gown na ginagawa hanggang sa matapos niya iyon at hindi na niya napansin ang oras. Maingat na ipinasok niya ang gown sa isang box at sinecured na hindi iyon masisira saka itinabi sa isang room kung saan niya inilalagay ang mga gown na natapos niya.














LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now