CHAPTER 17

2.1K 53 1
                                    

Read at your own risk!

****

Nakangiting naglalakad palabas ng airport si Zachary galing Singapore.













Marami ang naganap sa lugar na iyon. Matapos ang pag-amin ni Divine ay muli nilang naisipan na bumalik sa bahay ni Divine matapos ang ilang ulit na pagpapabalik-balik doon at sa huli ay nakita nila si Sharalyn kasama si Dirk sa mismong bahay na iyon.















Pinagtabuyan sila nito lalo na si Venom pero ilang minuto lang ang lumipas ay may tumawag na sunduin na ito sa kaparehong lugar kaya bumalik sila pero wala na silang naabutan pa.













Nauna na siyang umuwi sa Pilipinas dahil halos mag-isang linggo din siyang hindi nakasama ang girlfriend niyang si Ainaeco at talagang miss na niya ito ng sobra.















Mas pinili nalang niyang sumakay ng taxi since isang itim na backpack naman ang dala niya na duon niya pa binili kasama ng mga binili niya.















Nagpahatid siya sa boutique ni Ainaeco at gusto niyang surpresahin ito sa biglaan niyang pagdating.















Inabot ng isang oras hanggang sa makarating siya sa boutique nito. Hindi na siya kumatok pa at nang makita siya ng mga staff nito ay inilagay niya ang hintuturong daliri sa bibig niya senyales na 'wag maingay. Nakangiting tumango naman ang mga ito kaya tumungo siya sa pinto ng opisina nito.

















Binuksan niya iyon at napangiti siya ng makitang nakatalikod ito habang may inaayos sa damit na nakasuot sa isang mannequin, at napasadahan niya ng tingin ang balikat nitong maputi dahil naka-off shoulder ito ngayon.















Nang makapasok ay isinara niya ang pinto at narinig niya naman itong napabuntong hininga.













"Sinabi ko nang wala akong ganang kumain" aniya sa walang gana na boses kaya lumapit siya rito ng walang ingay at inilapit ang bibig sa tainga nito.











"Kahit na ako ang kasabay mo?" Bulong niya.













Nagulat ito sa ginawa niya kaya napaharap ito na tila hindi makapaniwalang nandoon siya. Tila isa itong nanigas na yelo dahil ni hindi man lang ito kumukurap kaya ngumiti siya pero agad itong umiling ng umiling na kinataka niya saka tinampal-tampal ang pisngi nito.











"Hindi. Hindi. Naghahallucinate ka lang, Ai. Napaghahalataan ka masyado" paulit-ulit na bulong nito habang tinatampal ang sarili kaya pinulupot niya ang isang braso sa beywang nito at hinapit ito palapit sa kanya sabay halik sa mga labi nito.















Hindi niya napigilang hindi muling halikan ang labi nito dahil talagang hinanap-hanap niya iyon sa Singapore. Hindi niya kayang hindi nahahalikan araw-araw ang nobya niya.

















Wala siyang maramdamang tugon mula rito dahil alam niyang nabigla ito batay na rin sa bibig nitong nakaawang. Nang mahalikan na niya ito ng sapat ay tumigil na siya sa paghalik at sinalubong ang tingin nito.















"Zach..." Sambit nito sa pangalan niya at sinundot pa ng hintuturo nitong daliri ang pisngi niya hanggang sa unti-unting nanlaki ang mata nito. "Ikaw nga" manghang turan nito bago ikinawit ang maliliit na braso sa leeg niya at sinubsob sa leeg niya ang mukha nito.















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now