CHAPTER 25

2.2K 52 0
                                    

Masaya ang makikita sa mukha ni Ainaeco at may ngiti sa mga labi silang dalawa ng fiancee niyang si Zachary habang nakayakap ito sa kanya mula sa likuran.












Kasalukuyan silang nakatanaw sa labas ng bintana ng condo unit nito habang panaka-naka nitong hinahalikan ang pisngi niya.












"Kasal na ang dalawa mong kaibigan. Mas nakakatuwa kung magpapakasal na din tayong dalawa" turan nito kaya napangiti siya. "Naalala ko pa nu’ng kasal ni Divine, ikaw ang nakasalo sa bulaklak na hinagis niya at nang ihahagis na ni Joshua ang garter bigla ka nalang sumigaw at inagaw ‘yon para sa ‘kin mapunta."












Parehas silang natawa sa kadugtong ng sinasabi nito.












"Bakit? Kung ipapatuloy ko kay Joshua ang paghagis niya ng garter, papayag ka bang iba ang makakuha at magkabit ng garter sa binti ko?" Panghahamon niya at narinig niya ang paghinga nito ng malalim kaya lalo siyang napangiti.












"You are only mine, Ai. Only mine" seryosong turan nito bago hinalikan ang leeg niya at pagkuwan ay niyakap siya ng mahigpit.












"I'm all yours, Zach" paniniguro niya.












Mas humigpit pa ang yakap nito sa kanya pero lumuwang iyon ng sabay silang napatingin sa cellphone nito na tumutunog.












"Wait up, baby" paalam nito sa kanya bago kinuha ang cellphone nitong nakapatong sa lamesa sa sala at hindi niya alam pero bigla siyang nakaramdam ng kaba.












"Hello, Sheedz" bungad nito sa kausap at ang bahagyang ngiti nito ay unti-unting nawala hanggang sa bumagsak ang cellphone nito sa sahig dahilan ng paggawa ng ingay, kaya nilapitan niya ito para tanungin.













"Hey, Zach. Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya hanggang sa makita niya ang pagtulo ng butil ng luha sa mata nito na unti-unting sinabayan ng paghagulgol.













Mabilis niyang inalo ang kasintahan kahit na naguguluhan siya sa nangyari. "Baby, listen up. Tell me, anong nangyari?"













Pinagsaklop niya ang mga palad sa pisngi nito habang pinupunasan ang pisngi nito.












"Si Lola at Ate..." Tila hindi nito matapos ang sasabihin dahilan para lalo siyang makaramdam ng kaba. "P-p-patay na sila" pagpapatuloy nito kasabay ng paglakas ng hagulgol nito.














Tila napako ang mga paa niya sa kinatatayuan niya dahil sa narinig. Yumakap sa kanya si Zachary kaya kahit lutang sa nangyayari ay niyakap niya na rin ito. Pilit na inaalo ito kahit na siya ay gusto nang umiyak sa nangyayari.












Zachary’s grandmother was so kind and so his sister too. How come na namatay ang Ate at Lola nito kung nasa safe house naman ang mga ito? Tanong na nabuo sa isipan niya.












Wala pa ring tigil sa paghagulgol ang fiancée niya kaya pinaupo niya ito sa sopa at handa na sana itong kuhanan ng tubig pero mabilis siya nitong kinabig palapit rito para muling mayakap.












Kinapa niya ang shoulder bag niyang nakalagay sa dulo ng sopa ng tumunog iyon at nakita niya na tumatawag si Divine.












LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora