CHAPTER 30

2.7K 71 0
                                    

Diretsong naglalakad si Ainaeco palabas ng airport habang hawak ang isang malaking maleta at sa kabilang kamay niya ay ang batang kamukhang-kamukha ng lalaking mahal niya.













"Mommy, can we go back to Hawaii? It's so hot here" reklamo nito.












Napapangiti nalang siya dahil hindi niya alam kung saan nito nakuha ang pagiging reklamador nito.













"Be quiet, Harry" tanging sinabi niya sa anak hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng airport at sumakay ng taxi.














"Mommy, you said daddy is here right?"













Tumingin siya sa anak at ngumiti. "Oo, anak" aniya kaya sumilay ang ngiti sa labi nito.













"Then, can I meet him?"













Umiling siya habang nakangiti dahilan para sumimangot ito.














"But why?" Tanong nito habang nakasimangot kaya hinaplos niya ang ulo nito.













Buti nalang talaga at marunong umintindi ng tagalog ang anak niya.













"Dahil may tamang pagkakataon para makita mo siya. Hindi kita pwedeng basta nalang dalhin doon at ipakilala sa kanya" paliwanag niya at mas sumimangot ang anak kaya niyakap niya ito. "May party tayong pupuntahan mamaya. Be a good boy, okay?"













Naramdaman niya ang pagtango nito habang yakap niya ito. Wala pang ilang minuto ay nakarating na siya sa dati niyang tinitirhan. Simula kasi ng umalis siya papuntang Hawaii ay hindi na siya nakapag-utos na maglinis, at ni isa sa mga kaibigan niya ay walang ideya na babalik na siya sa bansa.













"Mommy, the place is so dirty. Look, mommy, it's full of dust" reklamo na naman ng anak niya habang nakatingin sa hintuturong daliri nito na ipinahid sa makina ng panahian niya dati.













"Of course, magkakaroon ng alikabok ‘yan dahil matagal nang hindi umuuwi dito si mommy mo" paliwanag niya sa anak at sumimangot lang ito.













Minsan talaga sumasakit na ang ulo niya sa katigasan ng ulo ng anak niya. Hindi naman reklamador ang nobyo niya na hindi niya malaman kung nobyo niya pa ba dahil wala na siyang naging balita rito.













"Are you sure mommy we're going to live here?" Muling tanong ng anak niya kaya bumaba siya para magpantay ang mukha nilang dalawa.














"Harry, this place is different from Hawaii. Dito talaga kita dapat ipinanganak kasama ang Daddy mo but remember what I told you before?" Tumango ang anak kaya napangiti siya. "Don't be so hardheaded, young man. Magagalit na talaga si mommy sa ‘yo kapag naging reklamador ka pa" babala niya sa anak pero ngumiti lang ito.













"I love you, mommy" niyakap siya nito kaya napangiti siya.













"I love you too, young man" sagot niya bago nagpasiyang mag-ayos.













Inuna niyang ayusin ang kwarto para kahit papa’no ay makapagpahinga na ang anak niya na malamang ay napagod. Pagkatapos niya magwalis, mag-mop at punasan ang mga gamit ay pinalitan niya naman ang bedsheet. Nang natapos ay agad na humiga doon ang anak niya kaya hindi niya naiwasang hindi mapangiti.














LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat