CHAPTER 27

2.2K 72 6
                                    

Nakasalampak sa sahig si Zachary habang ang mga kaibigan niya ay nakaupo naman sa sopa at nakatingin lang sa kanya.













Walang araw na hindi siya umiinom ng alak simula ng mailibing ang Lola at kapatid niya. Wala na rin siyang naging balita simula ng habulin siya ni Ainaeco nang sandaling umalis siya sa palasyo.













Masama ang loob niya dahil hindi niya akalain na ito ang pumatay sa mga magulang niya at ngayon naman ay namatay ang Lola at natitira niyang kapatid nang dahil dito.













Ilang beses niyang pinaintindi sa sarili na napag-utusan lang ito pero iba ang dinidikta ng isip niya. Hindi niya magawang intindihin ang mga paliwanag nito dahil mas mataas ang timbang ng galit niya para sa babae.













Napayuko siya sa sobrang inis na nararamdaman niya sa sarili at napapikit ng mariin. Kalaunan ay narinig niya ang pagbuntong hininga ng isa niyang kaibigan.













"Hindi mo ba talaga kakausapin ang fiancée mo?" Tanong sa kanya ni Krist na namukhaan niya ang boses kahit na nakayuko siya.













Nang hindi siya nagsalita ay muli siyang nakarinig ng pagbuntong hininga.













"Hay nako! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa ‘yo, Zach" muling sabi ni Krist.













Umangat ang ulo niya at nasalubong niya ang tingin ng mga kaibigan niya na nakatingin din sa kanya.















"Tss! Hindi ako babae kaya ‘wag niyo 'kong tignan ng gan'yan" anito.













Sunud-sunod naman ang narinig niyang pagmumura ng mga kaibigan niya.













"Fuck you, bro! Mas gwapo pa ‘ko sa ‘yo" saad ni Joshua kaya napangisi nalang siya pero bigla din iyong nawala.













Kinuha niya ang isang bote na meron pang laman dahil halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay mga boteng ininom niya kagabi. Nalaman niya na rin na kaya nakapasok si Marcus at mga tauhan nito ay dahil may kasabwat ito sa loob na ngayon ay hawak na ng shokuin.














"Seriously, bro? Wala ka talagang balak na kausapin siya? It's just you know may pinagsamahan naman kayo, why not listen to her" opinyon ni Venom.













Pagak naman siyang natawa. "‘Yun na nga, eh. Iniisip ko na sinamahan niya ‘ko para kahit papa’no mabawasan ang galit ko sa kanya kapag nalaman ko na ang totoo" may pait na sambit niya at muling tumungga ng alak.















"Pero hindi ba pinamisyon siya sa ‘yo ni Mr. Yama? Why not ask him about it?" Muling suhestyon nito sa kanya pero umiling siya.













"I asked him and he said that he knows it, kaya ako pinamisyon niya dahil alam mo namang lahat ng misyon ko ay related sa mga magulang ko" anito.













Lumingon siya kay Sheedz na ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. "I bet you have an idea about it kaya mo ‘ko tinatanong about sa possibilities kung babae ang may gawa."














LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon