CHAPTER 19

2.2K 49 1
                                    

Nakangiti siya sa mga kaibigan na sa wakas ay nakauwi na sa Pilipinaspagkatapos ng apat na taon na pamamalagi sa Canada ng mga ito.















Nagkita naman sila doon ng may maganap na fashion event na talagang mga gawa niya pa ang napiling i-model sa nasabing event.

















"Cut that smile, please" naaasar na sabi ni Divine sa kanya pero nanatili ang ngiti sa mga labi niya.















Natutuwa siya na sa wakas ay nagkita-kita na rin silang tatlo pagkatapos ng mga naganap ng makauwi ang mga ito sa Pilipinas.















"I'm just happy na finally nagkita na tayong tatlo" nakangiting turan niya pero umirap lang si Divine habang nanatiling nakangiti si Sharalyn.















"Shut it, Ai. By the way, ilang taon na kayong mag-fiancée ni Zach ayaw niyo pa bang lumagay sa tahimik?" Tanong nito at napaiwas naman siya ng tingin.

















Naitanong na rin sa kanya ni Zachary ang tungkol doon pero humihindi na muna siya dahil alam niyang hindi pa tama na magpakasal silang dalawa gayong meron pang gusot siyang dapat ayusin.















"I know that look. Gusto na niya pero umaayaw ka" tila nahuli siya do'n ni Divine kaya napabuga siya ng hangin.

















"He asked me about getting married since ilang taon na rin kaming mag-fiancée, but you know, I want to solved my own problem" she said that made her friend Divine shook her head.

















Medyo dumukwang ito palapit sa kanya bago nagsalita. "Ai, we both know that you can't solve that problem you are telling us. You know that you can't take them back."

















Duon na tuluyang tumulo ang kanina niya pa na pinipigilan na luha.















"I know that, kaya gumagawa ako ng paraan para 'pag once na nalaman niya ang totoo ay mabilis niya 'kong mapatawad" aniya at nakita niya ang isang box ng tissue na galing kay Sharalyn at napakamot naman ito ng ulo.















"Hindi kasi ako mahilig sa panyo kaya nagdadala nalang ako ng tissue once na naiiyak ako" dahilan nito at tinanggap niya naman ang tissue bago pinunasan ang pisngi at mata niya.















"We three are now suffering" untag ni Divine dahilan para magtanguhan silang tatlo.

















Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang tatlo hanggang sa basagin niya ang katahimikan. "So, ano na ang balak mong gawin Sharalyn? Balita ko na nasa poder na daw ni Venom ang mga anak niyo."

















Ngumiti naman ito at tumango. "Oo. Nanalo siya sa kaso" nagbuga ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita. "As of now, sinusunod ko ang sinasabi ni Mommy Erin na akitin ang anak niya. I think I'm so close to that" may pilyang ngiti naman sa labi nito kaya napailing nalang siya.



















"Then don't forget to invite me sa kasal mo.. Same to you, Div" muling napairap si Divine sa sinabi niya at nagkross pa ng braso.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora