CHAPTER 12

2.4K 54 3
                                    

Nakangiti habang inaayos ni Ainaeco ang mga ginawa niyang gown na ngayon ay nakadisplay na sa mismong boutique niya.













Sa paglipas ng panahon ay maraming nangyari, isa na roon ang paglabas-labas nila ni Zachary at talagang tinuluyan na nila ang pagiging magkasintahan.













Hindi na rin siya kahit kailan ginambala ni Marcus na kinatatakutan niya dahil kabisado niya ang ex-boyfriend niyang iyon. Hindi ito basta-basta nalang magpapabugbog sa kanya kung walang dahilan.













Wala na rin si Mik sa boutique niya dahil ito na mismo ang nagpasiyang magresign sa trabaho at kahit hindi niya aminin ay tuwing nakikita niya ito ay nakikita niya din ang ginawa nito at ng ex-boyfriend niya.













"Hello there, beautiful."













She look behind her and as usual she saw him holding a bouquet of flowers.












Mabilis naglapat ang labi nilang dalawa at mabilis din silang naghiwalay ng may marinig silang mahihinang tilian sa kanilang gilid. Natawa siya ng makita ang mga staff niyang tila kinikilig sa kanilang dalawa.













"Nakaready ka na ba?"












Napalingon siya sa kasintahan at tumango naman siya. "I'm just going to get my bag. Wait me here" she said and then she went inside her office.













Paglabas niya ng opisina ay mabilis siyang inakbayan ni Zachary at iginiya palabas ng boutique niya. Mabilis nitong pinausad ang sasakyan nito ng tuluyan na sila makapasok sa loob at hindi niya maiwasang hindi titigan ang kasintahan niyang nakatuon ang pansin sa kalsada.













Makalipas ang ilang saglit ay nagbuga ito ng hininga. "Baka hindi ako makapagpigil na halikan ka, Ai, kung tititigan mo ‘ko ng gan'yan" anito dahilan para mapatawa siya.













"Edi halikan mo ‘ko" aniya rito dahil alam niyang hindi nito iyon gagawin pero tila nagbago ang ihip ng hangin dahil mabilis nitong ipinihit pakaliwa ang sasakyan at mabilis nitong itinigil ang sasakyan.













Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Zachary na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya habang ang isang kamay ay nakahawak pa rin sa manibela.













"Don't dare me about kissing you, Ai, dahil kahit nasa public pa tayo ihihinto ko talaga ang ginagawa ko para mahalikan ka lang" anito at siya naman ay walang mahagilap na sasabihin dito.












"Come on, kiss me" he challenge her.













She smile and remove her seatbelt before she gives him a peck.













"There. Happy?" Aniya pagkatapos niyang halikan ito ng mabilis at ngumiti naman ito.













Ito na rin mismo ang nagkabit ng seatbelt niya at mabilis siyang hinalikan bago pinausad ang sasakyan.













"Naisip ko lang, gwapo ka malamang napakaganda ng ate mo" aniya dahilan para tumawa ito.













Nakasimangot na napalingon siya sa kasintahan niya dahil sa pagtawa nito.












LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt