CHAPTER 21

1.9K 51 2
                                    

Busy sa pag-aayos si Ainaeco ng mga ginamit niya sa pananahi nang biglang tumunog ang cellphone niya.















Kinuha niya iyon na malapit lang sa kanya at mabilis na binuksan ang mensahe ni Divine.















On the same coffee shop. Now. Nangunot ang noo niya sa nabasa kaya mabilis pa sa alas kwatrong inayos ang mga ginamit bago kinuha ang bag niya.













On the way. Reply niya habang papalabas ng opisina niya nang magawi ang tingin niya ang kasalukyang assistant niya.















"I'm going somewhere. Ikaw na muna ang bahala dito then text me if ever na may emergency sa boutique, okay?"

















Tumango naman ito sa sinabi niya kaya nagtungo na siya sa pinto at mabilis na sumakay sa sasakyan niya. Nang makasakay at makabit ang seatbelt ay pinausad na niya ang sasakyan.















Nakatuon lang ang pansin niya sa daan habang nag-iisip ng dahilan kung bakit ito nakikipagkita sa kanya. Hindi niya malaman kung anong gagawin sa sandaling magkita silang dalawa.

















Kung gaano siya kabilis na pumasok sa sasakyan niya patungo sa coffee shop ay ganoon din kabilis ang pagbaba niya. Nang makapasok sa loob ng coffee shop ay hinagilap ng mata niya ang kaibigan at nagtataka siya dahil wala ito sa dati nilang pinagpupuwestuhan.

















"Kayo po ba si Ms. Nacua?" Napalingon siya sa isang waiter at mabilis naman siyang tumango.

















Iginiya siya nito sa isang private room ng coffee shop.















"Kanina pa po siya nag-iintay sa loob, ma'am" muling sabi ng waiter bago binuksan ang pinto kaya ngumiti siya ng bahagya rito bago inihakbang ang paa para makapasok.

















Nakita niya kaagad ang likod ng kaibigan dahil nakatalikod ito sa kanya. Umupo siya sa katapat nito at kahit hindi niya sabihin ay parang tumaba ito.











"Mukhang napansin mo na" nakangiting turan nito na parang napansin nito ang pagtingin niya rito kaya bahagya siyang tumango-tango.















"Well, yeah. Tumaba ka ata. Panay ba ang kain mo?" Tanong niya rito at ngumiti naman ito bago tumayo dahilan para matutop niya ang bibig gamit ang isa niyang palad.

















"Oh my god! Are you pregnant?" Gulantang na tanong niya at tumango naman ito habang nakakabit pa rin ang ngiti sa mga labi bago dahan-dahang umupo.



















"Yeah. Gusto ko lang sabihin na malapit na kong manganak. Gusto mang kitang kuning ninang hindi na pwede dahil ninang ka na ng kambal" aniya na hinaluan pa ng tawa samantalang siya ay tila hindi nagpaprocess ang sinasabi nito.















"Hey! Hindi naman na bago sa 'yo 'tong pagbubuntis ko kaya 'wag kang OA ja'n" sa sinabi nito ay unti-unti niyang ibinaba ang kamay at kinuha ang isang baso na may lamang tubig.

















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now