CHAPTER 10

2.4K 58 1
                                    

Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng tanggihan ni Ainaeco si Zachary sa inaalok nitong maging kasintahan nito.












Wala naman talaga siyang plano na tanggihan ito pero hindi niya kayang mawala ito ng dahil sa kanya. Pabagsak niyang binitawan ang lapis na hawak niya dahil kanina pa siya na wala sa pokus.













Hindi siya makapag-isip ng gagawing bagong gown dahil lutang talaga ang isip niya. Ito ang unang pagkakataon na nawalan siya ng gana sa pagdadraft. Madalas kasi na mawalan siya ng gana tuwing nahuhuli niya ang boyfriend niyang nakikipaghalikan sa iba.












Napukaw ng pansin niya ang pag-ilaw ng cellphone niya ng mapansin niyang umilaw iyon. Nakakunot-noong dimapot niya ang cellphone at chineck kung sino ang nagtext at halos mapalunok siya ng makitang unknown number ito.













Martina's Hotel. Room 305. The sender said in the text.













Hindi niya alam pero biglang kumabog ang puso niya ng makita ang message na iyon.












Hindi niya malaman kung pupuntahan niya ba or hindi. Hindi niya alam kung susundin niya ba ang nakasulat sa text nito. Ni hindi niya nga alam kung kanino nanggaling ang mensaheng iyon.













Muling naagaw ng atensyon niya ang cellphone na hawak ng muli itong umilaw at galing na naman iyon sa unknown number.












Kinakabang binuksan niya ang mensahe at halos mangunot ang noo niya sa nais nitong iparating.












Building a cage for a wild animals is not enough. They can release themselves because of attraction of their prey. The message of the unknown person.












Wild animals? Cage? Prey? Mga katanungang namutawi sa isipan niya dahil hindi niya malaman kung anong klaseng palakahulugan ang ibinibigay sa kanya ng mensahe.












Habang nag-iisip ng dahilan ay muli siyang nakareceive ng mensahe pero this time ay may kasama na itong litrato. Isang bulaklak na may mga tinik at isang kulay maroon na laso.












Pinagmasdan niyang mabuti ang litrato at nahagip ng mata niya ang isang maliit na linta na nakatusok sa isang tinik ng bulalak. Nahagip din ng mata niya ang isang mukhang kasisilang lang na ahas na nakatusok din sa tinik.













Too dangerous to hold a flower with sharp torns but too much dangerous to be with the flower with wild small animals between the torns. The message said.












Tila nahihilo siya sa mga makahulugang salita na ibinibigay ng mensahe kaya inintindi niyang mabuti ang sinasabi nito.












Wild animals which is ang ahas plus the linta. Kulungan para sa mga wild animals at prey ng isang wild animals. Anang isang bahagi ng isip niya at habang paulit-ulit na pinoproseso niya sa utak niya ang mga salitang sinabi nito ay muli niyang binalikan ang una nitong mensahe.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now