CHAPTER 8

2.7K 67 1
                                    

Nakatingin sa malayo si Zachary habang sumisimsim ng alak sa hawak niyang wine glass.











"You know what, bro? Mukhang hindi tumalab ang karisma mo sa babaeng ‘yon" tatawa-tawang sabi ng kaibigan niyang si Krist.












Nasa bar siya nito ngayon dahil hindi niya akalaing iyon ang isasagot sa kanya ng babae.













"I don't know, bro. Pero parang may malalim na dahilan kung bakit niya sinabi sa ‘kin ‘yon. I sense it, there's something na hindi niya masabi" sabi niya bago tinungga ang natitirang alak sa wine glass.












"Alam mo, bro, kakakilala niyo palang sa isa't isa. Alangan namang mahulog kaagad sa ‘yo yung tao at saka sabi nga ni Mr. Yama na matagal ng magkasintahan ang dalawa. No wonder na tanggihan ka niya kung totoong mahal niya ang lalaking ‘yon" mahabang litanya ng kaibigan niya at hindi niya maiwasang hindi ito tignan ng masama.













"Ang laking tulong mo sa problema ko" asik niya at tumawa naman ito.













Nasa isang private room silang dalawa kung saan makikita ang nangyayari sa ibaba dahil napalilibutan ng salamin ang buong kwarto pero secured naman ang area dahil walang makakarinig sa kanila mula sa labas.












"Kailangan ko siyang makuha mula sa lalaking 'yon. Kailangan ko pang gumawa ng paraan para mapasaakin ng tuluyan si Ainaeco" may kumpyansa niyang sabi habang nakatingin pa rin sa malayo.













"Tell me, bro, nagkakagusto ka na ba sa babaeng misyon mo?"












Napalingon siya rito at panandaliang hindi nakapagsalita dahil masaya siya tuwing kasama niya ang babae.












"No" tanging sinabi niya kalaunan.












"Sige, kunwari naniniwala ako" pabalang na sagot ng kaibigan niya kaya hindi niya nalang ito sinagot.












Parehas silang napalingon sa pinto ng tinutuluyan nilang room ng may kumatok doon. Unti-unti itong bumukas at muling tumingin siya sa malayo ng mapagsino ang kumatok.












"Tarantando ka talaga, Joshua. Akala ko kung sino ng kumakatok ikaw lang palang hayop ka" asik ni Krist at muling nagsalin ng alak sa wine glass nito.












"Tsk! Pasalamat ka nasa mood ako kung hindi, naku, kanina pa kita nasuntok" saad naman ni Joshua at tumingin kay Zachary. "Oh! Ikaw. Ano naman ang problema mo?" Tanong nito sa kanya pero nanatili siyang tahimik.












"Pa’no, hindi niya mapasagot 'yung babaeng gusto niya at alam mo ba ang sinabi sa kanya nu’ng babae?"













Napapikit siya ng mariin dahil sa pinagsasabi ng kaibigan niya at dahil dakilang tyismoso si Joshua ay pinatulan nito ang kaibigan.












"Anong sabi? It must be something na nakapagpadurog ng ego niya" sabi ni Joshua na hinaluan pa ng tawa kaya napahigpit ang hawak niya sa wine glass na kaunti nalang ay mababasag na.












"Eto ang sabi 'I'm sorry, Zach, but I love my boyfriend'" sabi nito na may emosyon pa dahilan para malakas na magtawanan ang dalawa.












LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now