CHAPTER 22

2K 50 3
                                    

Hindi naiwasan ni Ainaeco na hindi bilisan ang pahmamaneho ng bumilis ang pagpapatakbo ng fiancée niya.













Hindi na siya magtataka kung napapansin siya nitong nakasunod dito pero kahit papa'no ay nag-aalala din siya sa pamilya nito.













Saglit siyang napatingin sa cellphone niyang nasa dasboard ng tumunog iyon. Nakita niya ang number ng isa sa mga staff niya kaya mabilis niya iyong sinagot.













"Hello, what's happening?" Medyo may kalakasang tanong niya habang nakatuon ang pansin sa sasakyan ni Zachary.















"M-ma'am Ai, m-may mga pumasok po s-sa boutique. M-malalaki po silang tao, ma'am."













Napahigpit ang kapit niya sa manibela ng sasakyan lalo na ng marinig niya ang pangangatog sa boses nito. Walang anu-ano na ikinabig niya pakaliwa ang sasakyan niya.











"I'm on my way" Aniya bago mas binilisan ang pagpapatakbo patungong boutique niya.















Wala pang trenta minuto na nakarating siya sa boutique niya at pagbukas palang ng pinto ay bumungad na kaagad sa kanya ang mga mannequin na nasa sahig habang ang iba ay wasak na. Kita niya ang takot sa mata ng mga staff niya kaya nilapitan niya ang mga ito.















Napapikit siya ng mariin ng makita ang ilan sa mga staff niya na putok ang mga labi. Mukhang binalikan na siya ng dating kasintahan niya at hindi niya matanggap na nadamay maging ang mga walang kasalanan niyang staff.















"Gina, patulungan muna ang mga katrabaho niyong nasugatan then isakay mo sa kotse" utos niya sa isa niyang staff na mabilis namang sumunod sa kanya.















Ang iba niyang staff ay pinagtulungan na ibangon ang ilang mannequin na may kabigatan kaya hindi niya naiwasang hindi mapaiyak. Sobrang halaga sa kanya ng mga pinagtrabahuhan niya dahil pinagsumikapan niya ang mga 'yon.















Nang makita ang mga staff niya ay tila pasan na niya ang mundo sa sunud-sunod na problemang pumapasok sa buhay niya.















"Ma'am Ai, nasa kotse na po sila."













Napalingon siya kay Gina kaya inabot niya ang susi ng sasakyan niya dito.















"Here, dalhin mo muna sila sa ospital at ako na ang bahala sa mga bills na babayaran. Susunod din ako pagkatapos naming asikasuhin 'tong boutique" paliwanag niya rito at kaagad naman itong sumunod sa kanya.















Tinulungan niyang itayo ang mga mannequin na may nakakabit pa ring mga damit pero ang mas nakapanglumo sa kanya ay karamihan sa gawa niya ay sira na. Halatang pinagplanuhan ng taong iyon ang paghihiganti sa kanya.















Bagsak ang mga balikat na tinapos nila ang pagtayo sa mga mannequin at hindi niya maiwasang hindi mapaluha sa nakikita. Bakit kasi ngayon pa? Anang isang bahagi ng isip niya.













Mabilis niyang pinunasan ang pisngi niyang puno ng luha nang makitang nakatingin sa kanya ang nga staff niya. They are rarely saw her crying. Mahilig kasi siyang nakangiti kahit na hindi niya minsan nakakasundo ang iba niyang clients.















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon