CHAPTER 5

2.8K 85 2
                                    

Nakatulala lang si Ainaeco sa draft na kasalukuyang ginagawa niya dahil hindi niya makalimutan ang nahuli niya kahapon.












Hindi niya alam kung nagkaroon ba siya ng lakas ng loob dahil alam niyang may sasalo sa kanya o dahil natauhan na siya sa mga panlolokong ginagawa nito.












Napabuntong hininga nalang siya at makalipas ang ilang segundo ay nanlalaki ang mga mata na napatayo siya sa pagkakaupo ng malakas na bumukas ang pinto ng opisina niya at halos mangatog ang buo niyang katawan ng makita kung sino ang lalaking pumasok.













She tried to face her boyfriend and she knows that anytime, he will hurt her physically.











"M-Marcus" utal niyang bigkas sa pangalan nito.












Napapitlag siya ng malakas nitong sinarado ang pinto at nilock dahilan para magtilian ang mga empleyado niya na tila sinubukang awatin si Marcus.













"M-Marcus..." Muling tawag niya rito.











Napalunok siya sa sobrang dilim ng mukha nito habang unti-unting lumalapit sa kanya na siyang kinaatras niya naman.













"W-what a-are you d-doing here?" Utal niyang tanong rito.













Bago pa man siya makaalis sa kinatatayuan niya ay mabilis nitong nahablot ang buhok niya sabay hawak sa dalawang panga niya gamit ang isa nitong kamay dahilan para mapaimpit siya sa sakit.













Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa panga nga at pilit na inaalis pero mas lalo pa nito iyong hinigpitan dahilan para tumulo ang luha niya.













"Ang lakas ng loob mong makipaghiwalay sa akin. Bakit? Dahil may lalaki ka, huh? May pangpalit na ba ako, huh? Baka nakakalimutan mong ako ang dahilan ng meron ka ngayon" gigil na sabi nito kaya pilit na sinalubong niya ang tingin nito.













"N-no. You're not. D-dahil sariling pera ko ang ginamit ko pampatayo sa boutique na ito at matagal na rin akong nakawala sa poder mo simula ng gawin ko ang bagay na gusto mo, Marcus" giit niya at nakita niya ang pagngisi nito.













"Don't ever call me by my real name, Ainaeco, dahil hindi ako mangingiming pilipitin ang leeg mo once na marinig ko pa mula sa bibig mong 'yan ang totoong pangalan ko. Naiintindihan mo?"













Sunud-sunod siyang tumango habang nagpapatakan ang luha sa pisngi niya.













"Naiintindihan mo ba 'ko, Ainaeco?" Mas madiin at malamig na tanong nito sa kanya.












"O-o-oo. N-naiintindihan ko, R-Renz" nangangatal na sabi niya hanggang sa pakawalan siya nito at pinaharap rito.












LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon