CHAPTER 16

2.4K 59 3
                                    

Kakatapos lang ng meeting nila Zachary sa conference room para sa gagawing condominium sa Davao kasama ang iba't-ibang board members.













Ngayon ay patungo siya sa opisina niya habang hawak ang laptop niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng bumisita sa bahay nila at Lola at kapatid niya. Ayaw sanang sumama pauwi ni Ziiro pero nang kausapin ito ni Ainaeco ay mabilis pa sa alas-kwartong nagyaya itong umuwi.















Binuksan niya ang pinto ng opisina niya pero nangunot ang noo niya ng makitang nandoon ang mga kaibigan niya.













"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong niya habang patungo sa lamesa niya at ipinatong doon ang laptop na hawak niya.















"Blame this man."















Sinundan niya ang itinuro ni Joshua at kay Venom ito nakaturo kaya nagtatanong ang mga matang lumingon siya sa mga kaibigan habang nakakunot ang noo.















"Well, nalaman niyang nasa Singapore namamalagi si Sharalyn kaya ayun gusto nitong puntahan sa Singapore at sasama daw tayo" pahayag ni Krist at napansin niya na nakapang-alis ang mga ito.















"Don't tell me ngayong araw tayo pupunta ng Singapore?" tumango ang mga kaibigan niya. "What the hell!? This is a joke, right?" Umiling ang mga kaibigan niya kaya tinignan niya si Venom.















"Fuck you, bro. Bumalik pa 'ko bilang agent para matulungan ka sa paghahanap sa kanya tapos kaya mo naman palang hayop ka" asik niya rito at ngumisi lang ito.

















He quit as an agent the moment he separated Ainaeco and her ex boyfriend. He was now waiting for an order from Mr. Yama. Kung hindi ba naman kalahating tanga ang kaibigan niya nagpakasal 'tapos hindi naman pala totoo, ngayon habol ito habol ng habol sa dating asawa at 'di magkada-ugaga sa paghahanap. Idadamay pa talaga siya.















"Just come with us" walang ganang turan ni Sheedz kaya inismiran niya ito.













"Tss! Alam mo namang may girlfriend ako. Ikaw ba nagpaalam na sa binubugaran mo? Cristine ba 'yun?" Pang-aasar niya at tinignan naman siya nito ng masama. "I'll call her first" he said afterwards.















Nagsi-ismiran ang mga kaibigan niya sa sinabi pero hindi na niya inintindi iyon dahil tinawagan na niya si Ainaeco.













Makailang ring ay sumagot na ito. "Yes. Baby?" Masayang bungad nito nang sagutin nito ang tawag kaya napangiti nalang siya at naupo sa swivel chair niya.















"Hi! Baby. Magpapaalam sana ako" turan niya at nang tingnan ang mga kaibigan ay masama ang tingin ng mga ito sa kanya kaya ngumisi siya at lalong inasar ang mga kaibigan.

















"Yeah. Sure. What is it?" Masigla pa rin nitong turan kaya pinaikot niya ang inuupuan niyang swivel chair.













"Pupunta akong Singapore. Just a brother code matters. Kasama ko ang mga baliw kong kaibigan" anito.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя