CHAPTER 26

2.2K 62 3
                                    

Nanlalamig ang buong katawan ni Ainaeco habang nakasakay siya sa magarang kotse na sumundo sa kanila ni Zachary sa airport sa Turkey.












Napatingin siya sa katabi niyang si Zachary na wala man lang imik kaya hinawakan niya ang kamay nito dahilan para mapalingon ito sa kanya. Alam niyang ramdam nito ang lamig ng mga kamay niya.













Hinila siya nito palapit sa katawan nito at mabilis na pinulupot ang braso sa balikat niya kaya napasubsob siya sa leeg nito at dama niya naman ang paghalik nito sa ulo niya.













Nanatiling ganoon ang p'westo nila hanggang sa tumigil ang sinasakyan nila. Siya na ang kusang umalis sa pagkakalapit rito ng bumukas ang pinto sa p'westo niya. May nakalahad na kamay sa harapan niya kaya tinanggap niya ‘yon at kapwa nanlaki ang mga mata niya ng makita ang malapalasyong bahay na nakaharap sa kanya.













"Hey!" pukaw sa kanya ni Zachary na nasa tabi niya na pala.













"I-ito talaga ang b-bahay na 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya at tumango naman ito.












"Tara na" napalunok siya bago tuluyang inihakbang ang mga paa para makapasok sa loob.













Napalunok siya nang makita ang ilang armadong lalaki na nakapalibot sa buong bahay maging sa loob ng bahay nito.












"Burada oturabilirsin, Prens Zach ve prenses" You may sit here, Prince Zach and his princess. Anang isang matandang lalaki.












Naupo silang dalawa ni Zachary sa sopa na itinuro nitong upuan kahit na hindi niya naintindihan ang sinabi nito.












May mga kasambahay na maganda ang kasuotan ang lumapit sa kanila at binigyan sila ng pagkain habang muling humarap sa kanila ang matanda.












"Hepimiz seni tekrar gördüğümüze sevindik prens Zach. Büyükbaban seni gördüğüne sevinecek" We’re all happy to see you again prince Zach. Your grandfather will be happy to see you. Anito sabay tingin nito sa kanya kaya napaupo siya ng maayos. "Nişanlısı prens Zach mi o?" Is she your fiancée, Prince Zach? Nakangiting tanong nito kaya napalingon siya kay Zachary at bumulong rito.












"Anong sinasabi niya, Zach? Clueless na ko dito at speechless pa" bulong niya kaya ngumiti ito at inakbayan siya bago tumingin sa matanda.












"Evet, kıdemli Abar. O benim nişanlım ve yüksekliğinizin beni görmekten mutlu olmadığını biliyorum. Ölümünden sonra sadece büyükannesinin bedenini istiyor" Yes, senior Abar. She's my fiance and I know your highness is not happy to see me. He just want grandmother's body after her death. Mahabang sagot ng fiancée niya at talagang sumasakit na ang ulo niya sa lenggwaheng ginagamit nito.












Tumawa ang matanda sa sinabi nito. "O prens Zach ile aynı fikirde değilim. Biliyorsunuz ki majesteniz sadece koruyucu" I disagree with that prince Zach. You know that your highness is just protective. Turan nito na kinailing naman ng fiancée niya.













"Tamam, kıdemli Abar. Bununla tartışmayacağım" Okay, senior Abar. I won't argue with that. Anito at yumuko naman ang matanda bago nakangiting nagpaalam sa kanila.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now