CHAPTER 7

3K 71 1
                                    

Hindi mapigilang hindi mapangiwi ni Ainaeco habang naglalakad siya patungo sa coffee shop na pagkikitaan nila ni Divine.













Halos ilang araw din siyang hindi nakapaglakad ng maayos dahil talagang hindi niya makagawang makabangon sa hinihigaan niya. Kaya nagpasya na siyang magtungo sa ospital para ipacheck up ang sarili at sa gulat niya sa sinabi ng Doctor ay halos ayaw na niyang magpakita pa kay Zachary.

















Nang tuluyang makapasok sa loob ng coffee shop ay nakita niya si Divine na tila may kausap sa hawak nitong cellphone.
















Ginawa niya ang lahat para hindi magmukhang ika-ika siya maglakad pero nang lingunin niya ang kaibigan ay nakakunot ang noo nito na nakatingin na rin pala sa kanya.














"What happened to you?" Her friend asked when she went to her friend's spot.














Ngumiwi siya ng maupo siya sa kaharap nitong upuan.















"Uhm... N-nadulas kasi ako sa C.R nung isang araw kaya paika-ika maglakad. Until now, masakit pa rin lalo na ang balakang ko" paliwanag niya rito na kinakunot naman nito ng noo.















"Nadulas?" Ani kaibigan at tumango naman siya. "Eh, hindi ka naman clumsy. How come na nadulas ka?"















Bahagya siyang napalunok dahil sadyang mausisa ang kaibigan niya pagdating sa mga ganoong bagay.

















"Nadulas talaga ako, Div. Natapon kasi ‘yong body gel na ginagamit ko kaya ayun pulakda ako sa sahig" muling pagdadahilan niya at tumango nalang ito.















"Sana sinabi mo nalang sa ‘kin na iika-ika ka maglakad para hindi na kita pinapunta dito sa coffee shop. Malamang masama ang naging bagsak mo" ani kaibigan na kinatango niya nalang na may kasamang ngiti pa.















"Wait... Waiter" saad nito sabay taas ng kamay para tawagin ang waiter.
















Mabilis naman na lumapit ang waiter sa kinaroroonan nila at ito na rin ang nag-order ng kape at cake nila.

















"How's your life?" Kalaunan ay tanong niya habang hinihintay ang order nilang dalawa.















"As usual."














"How about your relationship with Mr. Jeon?" She asked.
















Napatigil ito at napatingin sa kanya. "Relationship?" Paninigurado nito at tumango naman siya habang nakangiti. "We don't have relationship, Ai" sabi nito pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil sa sinabi nito.















"Okay. We have but it's a fake relationship" pag-amin nito kaya nangunot ang noo niya.

















"Fake relationship?" Tanong niya at tumango naman ito saktong dating ng order nila.

















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now