CHAPTER 23

2.2K 71 0
                                    

Read at your own risk!

****

"So, ano, bud? Titiisin mo nalang talaga ang fiancée mo na gan'yan?" Tanong ni Darph kay Zachary na hindi pinansin ni Zachary.













Kasalukuyan silang nakatingin sa fiancée niya habang nakaparada ang sasakyan niya hindi kalayuan sa boutique nito. Walang araw na hindi niya ito sinusundan kahit saan man ito magpunta. Hindi niya rin naman kasi ito matitiis ng matagal.















"Akalain mo, lapitin talaga ng lalaki ang fiancée mo."















Tinignan niya ng masama ang kaibigan na kasalukuyang nakatingin pa rin sa direksyon ni Ainaeco at nang mapansin siguro nitong nakatingin siya ay lumingon ito sa kanya.















"What?" Maang na tanong nito at kalaunan ay nakangising sinalubong ang tingin niya. "Alam mo kung hindi niya lang siguro naabutan ang ginagawa nang babaeng 'yun sa 'yo siguro bati na kayo" pang-aasar nito kaya mas sinamaan niya ang tingin dito.















Hindi niya naman ginusto na maabutan silang ganoon. Isa ang babaeng 'yon sa nakilala niya nang panahon na magpunta siya sa bar dahil muli siyang tinanggihan nito sa inaalok niyang kasal.















Pangatlong beses na siyang nag-aya dito na magpakasal na silang dalawa pero tumatanggi ito. Hindi niya alam kung anong dahilan nito bukod sa sinasabi nitong bigyan pa ito ng oras.















Muli siyang tumingin sa kinaroroonan ng fiancée niya at napapahigpit ang hawak niya sa manibela tuwing hahawakan nito ang braso o ang palapulsuhan ng lalaking kanina pa nito kausap tuwing hinihila nito ito o kung kukunin nito ang atensyon ng lalaki.

















Kinuha niya ang cellphone sa may dashboard ng sasakyan niya habang nakatingin siya sa fiancée niyang patuloy pa ring nakikipag-usap sa lalaki.













Dinial niya ang number nito at napansin niya na huminto ito magsalita at kinuha ang cellphone sa suot nitong jeans. Sandali nitong kinausap ang lalaki bago lumayo sa boutique nito at sinagot ang tawag niya.

















"Zach?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.















Parang tila napipilan siya kaya nakita niyang bahagyang nawala ang ngiti nito nang sagutin ang tawag niya dahil siguro sa hindi niya pagsagot.















"Hello, Zach?" Muling sabi nito kaya humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita.















"Nasa'n ka?" Tanging lumabas sa bibig niya at kita niya kung paano muling nabuhay ang ngiti sa mga labi nito.

















"Nandito ako sa boutique ngayon. Uhm, ba't ka pala napatawag?" Tila alanganing tanong nito.













Namiss ko lang ang boses mo. Mga salitang gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa.













"Wala lang. Wala kasi akong makausap" taliwas na sabi niya sa tunay na gusto niyang sabihin at kita niya na tila nawala ang ngiti ng babae.



















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя