CHAPTER 4

3.6K 74 1
                                    

Kasalukuyan na nakasakay si Ainaeco sa kotse ni Zachary at hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Bigla nalang kasi itong nagyaya kaya wala siyang ideya sa plano nitong pagdalhan siya.













"I'm serious, Zach. Where are we going?" Panay ang tanong niya rito pero lagi lang itong ngumingiti.













"Naiinis ako sayo" sa sinabi niyang iyon ay napalingon sa kanya ang lalaki at muling tumingin sa daan bago iginilid ang sasakyan.














"Why?"














Napairap siya ng marinig ang tanong nito.















"Okay, fine. We were going to somewhere that you'll experience the reality" nangunot ang noo niya sa sinabi nito at lalong nainis.













"So, hindi pala 'to reality?" Tanong niya rito at sinalubong na rin ang tingin nito.













Panay ang iling nito kasabay ng paghawak nito sa dalawa niyang kamay at sabay na hinalikan ang likod ng palad niya bago muling tumingin sa kanya.















"This is reality. Ayokong sabihin sa 'yo kung saan tayo pupunta dahil gusto kong malaman ang tunay na mararamdaman mo once na makarating na tayo doon. I want to see how you'll smile when we get there. I want to see your expression if you'll love it or not. That's the reason why I don't want to tell you. It's up to you if you'll believe me" pagpapaliwanag nito.














Sumikdo ang puso niya dahil sa mga naririnig mula rito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya dahil kahit sa boyfriend niya ay wala siyang narinig ng mga salitang binitawan ni Zachary ngayon lang.












"You believe me?" May kaunting ngiting tanong nito at tumango naman siya kaya hindi na siya nagulat ng halikan siya nito sa labi, hindi na siya nahiyang tugunin pa ang mga halik nito hanggang sa ito na mismo ang humiwalay.














"Let's go?"















Tumango siya at imbis na bitawan nito ang isang kamay niya ay ipinatong ito sa silindador habang minamaniobra ang niluluanan nilang kotse.















Hindi man niya itanggi pero masaya siya sa piling ni Zachary. Masaya siya hindi dahil nagagawa nitong pasayahin ang araw niya kung 'di pinupunan nito ang pagmamahal na matagal na niyang gustong punan ng boyfriend niya.














She and her boyfriend have been in relationship for almost two years but it's almost months when her boyfriend start flirting with other woman. Hindi niya ito magawang iwanan dahil wala na siyang kasama maliban sa kaibigan niyang si Divine.














Lahat ng kaibigan niya noon ay biglang naglaho ng makulong siya. She's an ex-convict. Sino nga bang gusto siyang maging kaibigan kung nakapatay siya noon? Only Divine can do that.













Napaharap siya sa katabi ng maramdaman niya ang malambot na labi nitong lumapat sa pisngi niya.















"You look sad. Mind telling me why you're sad?" He asked and she just smile sadly.














Mayroong pag-aalala sa kislap ng mga mata nito at hindi niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya sa tuwing nakakasama niya ito.















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu