CHAPTER 24

2.1K 59 1
                                    

Read at your own risk!

****

Magkasaklop ang mga palad ni Ainaeco at ng fiancee niyang si Zachary habang naglalakad papasok sa building ng condo nito.












Hindi naghiwalay ang pagkakasaklop ng mga palad nilang dalawa hanggang sa makapasok at makalabas sila ng elevator. Maging sa pagpasok sa loob ng unit nito ay parang ayaw nitong bitawan ang kamay niya.












"'Yung kamay ko po" nakangiting turan niya na tinugunan naman nito kaagad.














"Eto hawak ko" parang wala lang na sagot nito kaya napalatak siya ng tawa.












"Oo nalang" saad niya at dahil papunta siya sa sopa ay nahihila niya din ito.














Nang sandaling makaupo siya ay nanatili itong nakatayo. Napasandal siya sa inuupuang sopa ng dumukwang ito palapit sa kanya. Bahagya siyang napalunok sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya lalo na ng ngumisi ito.
















Mula sa mata nito ay bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Tila nang-eenganyo na siya na ang unang humalik rito. Nang dahil sa naiisip ay napapalunok nalang siya dahil pakiramdam niya ay natutuyuan siya ng laway sa lalamunan.
















"Uhm. W-what are you doing?" She asked in her low voice while stuttering.














Sumilay ang ngisi sa labi nito na lalong nakapagpadagdag ng kaba sa dibdib niya. Ni sarili niya ay hindi mahabol ang bilis ng pagtibok ng puso niya.


















"Stay here. I'll cook for something" pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis siya nitong hinalikan sa noo at umalis sa harapan niya.


















Nanatili siya sa posisyon niya dahil hindi siya makapaniwala na iyon lang ang sasabihin nito matapos nitong pabilisin sa pagtibok ang puso niya.
















"Aish! That guy... Pasalamat siya mahal ko siya" turan niya habang nakangiti.
















Hinanap ng mata niya ang remote ng TV at nang mabuksan niya ay isang action drama ang nakita niya. Ililipat na niya sana ang channel nang makitang si Chance Sevilla ang bidang babae doon. Imbis na mailipat ang channel ay pinagpatuloy niya ang panonood. Nag-indian sit pa siya sa mismong sopa habang nakatuon ang pansin niya sa TV.
















"Woah!" manghang saad niya at parang kumislap pa ang mga mata niya dahil ang galing nito humawak ng baril lalo na ang pagtumbling nito sa iba't ibang direksyon.














Batay sa pagkakaalam niya ay dati itong nag-aral ng martial arts dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito na mailigtas ang sarili sa panahon na may mangyaring hindi maganda rito.














Napawi ang pag-iisip niya ng maramdaman niya ang paghalik ni Zachary sa isang pisngi niya kaya napangiti siya at nang tignan niya ito ay nakangiti rin ito sa kanya habang nanatili itong nakabend sa likuran niya.


















LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now