CHAPTER 11

2.4K 66 1
                                    

Nakatingin lang si Zachary kay Ainaeco na mahimbing pa ring natutulog sa inokupa niyang unit.












Sinadya niyang malapit sa unit na inokupa ng boyfriend nito ang kinuha niya para mabilis siyang makabwelo kapag nakita niya ito.












Hindi niya mapigilang hindi maawa sa itsura ng babae dahil namumugto ang mga mata nito at tila putlang-putla. Hindi niya intensyong masaktan ito ng lubos pero wala na siyang maisip na paraan para mapaghiwalay ang dalawa.













Dinukot niya ang cellphone mula sa suot niyang pantalon ng tumunog iyon at nakita ang ang pangalan ni Joshua.













"Hello" bungad niya ng sagutin niya ang tawag.












"Anong naging balita?" Tanong nito at napatingin siya kay Ainaeco na mahimbing pa ring natutulog.












"Sa tingin ko nagtagumpay ako. Titignan ko kung ano ang mangyayari sa susunod na araw pero malakas ang kutob kong hindi na magkikita pa ang dalawa" may kumpyansa niyang sabi sa kausap.













"Hindi pa rin tayo sigurado ja‘n, Zach, dahil kilala mo naman ang boyfriend niyang si Ainaeco. He's not just an ordinary man but the next king of Abergel Palace" paalala nito sa kanya kaya napabuntong hininga siya.













"Palaisipan pa rin sa ‘kin kung bakit hindi siya mabitaw-bitawan ng lalaking ‘yon, eh, halos kali-kaliwang babae ang kasama nito" panandalian siya tumigil pero muli ding nagsalita. "Iba ang pakiramdam ko sa ugnayan ng dalawa. Malamang na may malalim silang sikreto na hindi pwedeng mabunyag" dugtong niya sa sinasabi.












"Baka may anak silang dalawa?" Mabilis na sagot ng kausap kaya ganoon din kabilis na namura niya ito. "I'm just giving my goddam opinions, Zach, no hard feelings."













He just tsked and didn't say anything.













"Gusto mo bang alamin ko?" Pagkuwan ay seryosong tanong ng kausap kaya muli siyang napatingin sa babae bago nagbuntong hininga.













"No need. Ako na ang bahalang mag-alam" sabi niya rito bago ibinababa ang tawag.













Pinag-isipan niya ng maigi ang planong gagawin dito para tuluyan na itong mapahiwalay sa boyfriend nito at sa nakikita niya ay tuluyang nasira ang dalawa. Sino nga ba namang maaatim na makipagrelasyon pa sa lalaking umaari ng iba? Wala. Dahil iyon ang pinakakina-a-ayawan ng mga babae.














Natigil ang pag-iisip niya ng gumalaw ito kaya mabilis niya itong pinuntahan sa kama. Naupo siya sa gilid nito at marahang hinaplos ang ulo nito dahilan para muli itong makabalik sa pagtulog.













Nang lumalim ang paghinga nito ay muli niyang kinuha ang cellphone niya at dinial ang number ni Sheedz.













Makailang ring lang ay sinagot na nito ang tawag. "What?" Tanging tipid na tanong nito.












"Ano nang balita sa mga lalaking iyon?" Balik-tanong niya at narinig niya ang pagbuntong hininga ng kausap.













LFD 3: Convicted Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now