009. The Paramount's Purpose

7.1K 472 78
                                        

"In the Paramount Program, we believe that humans have the innate tendency to evolve in a definite direction to achieve biological complexity," ani Daniel saw along estudyanteng tahimik na nakikinig sa kanya, "Orthogenesis ang tawag doon, which was championed by Jean-Baptiste Lamarck in his theories, kaya siya ang ibinigay kong hint sa inyo," paliwanag ni Daniel sa kanila, "But if you add Hugo de Vries' mutationism in the equation, at mas magiging malinaw ang sagot. You guys are... born different from other people."

Pagkatapos ang nangyari sa nanghihina pa ring si Vladimir, tuluyan nang ipinaliwanag ng Paramount Class adviser na si Daniel ang katotohanan sa likod ng program na kinabibilangan nina Jacob. Kahit lahat sila ay halatang tuliro at naguguluhan pa rin, pinili nilang makinig na lamang, umaasang mabibigyan ng sagot ang mga tanong sa loob ng isipan nila.

"Hindi na po ba kami tao?" biglang tanong ni Nico na nalilito at nag-aalala dahil sa mga narinig mula sa teacher.

Isang mahinang tawa ang namutawi mula sa guro nila. "Tao pa rin naman kayo. Just with... special abilities."

"Like... mutants?" tanong naman ni Sketch, "Parang 'yung sa movies?"

"Oo. Pero dito sa Paramount Program, meta humans ang tawag sa inyo," Daniel then smiled and stood away from his podium and positioned himself right in front of the eight confused students, "Believe it or not, everyone has flawed genes. Even the healthiest people walk around with a surprisingly large number of mutations in their bodies. Some genetic mutations causes diseases, birth defects... O kaya naman, unique physical characteristics, gaya ng heterochromia...

"But the eight of you are particularly more unique. Sometimes, these mutations nurture at an alarming rate, and help your system develop certain genetic traits that give you special abilities." Pagkatapos ay naglabas ng isang card si Daniel mula sa bulsa niya. Iyon ang card na ibinigay sa kanila noong placement examination. "With the latest technology made by the Paramount Laboratories, Inc., we hid special chips inside these cards that were given to all of you during the placement examination. Ang bawat isang chip ay naka-program na maglabas ng isang modified sonic wave nang hindi niyo napapansin habang nagtitake kayo ng exam. Ang tunog na iyon ay nagdudulot ng pananakit ng ulo, nausea, panghihina, pagdurugo ng ilong, at unconsciousness."

Natigilan si Jacob na unti-unting napagtanto ang mga nangyari sa kanya noong araw na iyon. "Ibig sabihin... Y-yung malakas na tunog na narinig ko..."

Nginitian siya ng class adviser nila. "There's a reason why your mother didn't hear it, Jacob. Wala siyang kakayahang marinig iyon. But you... That sonic wave is made to find people like you." Ipinatong ni Daniel ang hawak niyang card sa podium, "Pagkatapos ng placement examination, ang ilan sa inyo ay dinala sa clinic dahil sa pagdurugo ng ilong, pagsusuka, at matinding pananakit ng ulo at katawan. Ang iba naman ay dinala sa ospital dahil sa parehong dahilan. That's how we found out who among the students possess unique genetic traits that are still dormant. Through the sonic wave, we roused and stimulated those, kaya hindi magtatagal, magsisimula nang mag-manifest ang mga abilities ninyo... kagaya na lang ng nangyari kay Vladimir.

"Living organisms evolve all the time, and are ready to change when they hit a wall," pagpapatuloy ni Daniel, "We, humans, never stop evolving... and the changes we can undergo has no limit. Dito sa Paramount Program, hinahanap at tinutulungan namin ang mga katulad ninyo. Ngayon pa lang magsisimula ang totoong Paramount Class. From this day on, your potentials will be awakened. Gagawin namin ang lahat para maintindihan at mapalakas ang mga kakayahang taglay ninyo.

"You are a special breed of humans that will lead the society in the future. You are among the evolutionary progeny of Homo sapiens... The human subspecies, Homo sapiens mutandis."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now