070. Release Them All

3.3K 258 28
                                    

Nang magising si Jacob kinaumagahan, agad niyang naramdaman ang matinding pananakit ng ulo. Hindi siya agad bumangon, at hinintay na humupa ito bago tuluyang umalis mula sa kinahihigaan. Pagkatapos maligo at magbihis gamit ang mga damit na pinahiram sa kanila ng mga kapatid ni Gwen, dumiretso na siya sa dining room kung saan niya naabutan ang iba na nag-aalmusal.

Kahit pa tila kalmadong nag-aalmusal sina Gwen at ang mga kapatid nito, bakas sa mga mukha nila ang tensyon. Nagsisimula pa lang ang araw, pero alam na nila kung ano ang mangyayari sa maghapon. Iyon nga lang, hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan ng mga aksyong gagawin nila.

Kahit nag-aalinlangan, naupo si Jacob sa bakanteng upuan sa pagitan nina Vladimir at Sketch. Habang kumakain, napatingin siya kay Antoine na tila malalim ang iniisip.

"Ang sabi mo kagabi, makakakuha ka ng mga makakatulong sa 'tin," ani Jacob sa lalaki, "Paano mo 'yun gagawin kung kulang na tayo sa oras?"

Antoine did not respond, and just heaved a deep breath. The others around the table were also looking at him before looking at each other, wondering as to why the oldest among them is not responding to the question.

Sa kabilang dako, binigyan ni Gwen ang kapatid ng isang seryosong tingin, bago tuluyang napahinga nang malalim dahil sa pagkadismaya.

"Wala kang plano... Humingi ka ng tulong sa Sanctum, pero tinanggihan ka nila, hindi ba?" ani Gwen sa kapatid, dahilan para tumikhim ito at muling humigop ng kape sa hawak nitong tasa.

"We needed it so I tried to ask them for help..." tugon ni Antoine, "Pero tumanggi ang mga elders na tumulong. Wala rin namang magagawa si Isagani."

"Ano?" Emma then said in a discouraged tone, "Paano 'yan? Anong gagawin natin?"

"Hindi naman pwedeng tayo-tayo lang ang sumugod. Kahit pa medyo marami tayo, hindi pa namin alam kung paano gamitin ang mga kakayahan namin nang maayos. Kung hindi tayo matutulungan niyang tinatawag ninyong Sanctum, kailangan nating mag-isip ng ibang paraan."

"Ano ngayon ang plano?" tanong ni Nico, "Kung ngayon pa tayo maghahanap ng tutulong sa 'tin, wala na tayong mahahanap. Kulang na ang oras natin. Hindi natin pwedeng patagalin ang paghihintay ng mga pamilya natin. Mapapahamak sila kapag hindi natin sila nailigtas agad."

"I have an idea," Vladimir said, his face suddenly lit up, "We can go to the laboratory that Lara runs. Maraming mga metahuman ang nakakulong doon. If we set them free and get them to our side, we're going to get the tons of help we need in just a few hours."

"Ang galing nun ah..." An amused smirk appeared on Bullet's face. "Ikaw ha. Naaaliw ako sa'yo. Good idea."

"Pwede tayong pumunta doon mamayang konti at palayain. Nanggaling na kami roon ni Vladimir. Maraming guwardiya, pero madali naman silang gawan ng paraan," ani Gwen, "Ang problema lang naman, papayag ba silang tumulong sa 'tin?"

"Let's just cross the bridge when we get there," Antoine then said, "What's more important is we have to set them free first. Then, we'll know if they're willing to help us or not..."

********

Pagdating nila sa harap ng laboratoryong pinamamahalaan ni Lara, agad na hinanda ng walong miyembro ng Paramount Class ang mga sarili nila. Wala silang alam sa pakikipaglaban at hindi pa sila ganoon kasanay na gamitin ang mga kakayahan nila, pero sa pagkakataong iyon, wala silang ibang pagpipilian.

"We need to lure the guards out so we can all fight them here..." utos ni Antoine sa kanila, "Kailangan natin silang labanan, pero hindi natin sila kailangang patayin. Hangga't maaari, huwag niyo silang papatayin. Habang nangyayari 'yun, gawin ninyo ang lahat para makapasok si Vladimir sa loob."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon