066. Objects of Fear

3.2K 246 9
                                    

Pagpasok ni Vladimir sa simulation room, nanlaki ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang mga makinang naka-set up sa loob. Pakiramdam niya ay nasa set siya ng isang science-fiction movie, at namangha sa mga uri ng high technology na makikita sa loob ng kwarto.

But before he can even go towards the center of the room to take a better look at the machines inside it, all of a sudden, a group of humanoids wearing uniforms of the Paramount Laboratories appeared from behind him, grabbed his arms, and harshly attached handcuffs on his hands.

"T-teka... anong ginagawa ninyo?" ani Vladimir na gulat na gulat habang tinitingnan ang mga humanoids na nakapalibot sa kanya, "Tanggalin niyo 'to!"

Pero hindi siya pinansin ng mga makinang iyon, at itinulak siya ng mga ito papunta sa gitna ng kwarto. Tatakbo na sana si Vladimir para sugurin ang mga ito, pero bigla na lamang nagsara ang mga ilaw, pati na ang mga monitors sa loob ng kwartong iyon.

Pagkalipas ng ilang segundo, naramdaman ni Vladimir ang paggalaw ng sahig na kinatatayuan niya. Madilim man, ramdamniya ang pag-vibrate ng malaking bahagi ng sahig at ang pag-ilalim nito.

Even if it is risky, Vladimir moved his feet a little to the back, and it almost made him fall off. That made him realize that the sinking floor left him standing in the middle of the room, on a small surface that fit his feet.

Nang bumukas ang mga ilaw, doon nakita ni Vladimir na tama nga ang hula niya. Isang maling galaw niya lang at mahuhulog siya sa malalim at malapad na siwang sa sahig. Dagdag pahirap pa sa kanya ang pagkakatali ng mga kamay at ang maliit na espasyong kinatatayuan niya, kaya nahihirapan siyang magbalanse.

Inikot niya ang tingin sa paligid, at napagtantong konektado ang lahat ng mga makina at monitors sa bawat isa, na pare-pareho ring konektado sa sistemang kumukontrol sa sahig.

Through his intellect, Vladimir instantly understood what he has to do – he should be able to control all the malfunctioning machines in order to fix the floor where he is standing on.

He then started to control the four monitors on his right side, using his power to start fixing its systems with his mind. His brows started to almost meet on its ends, as he immediately started to feel the strain of controlling four big and complicated machines.

Pero pagkalipas ng ilang sandali, biglang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo si Vladimir, dahilan para saglit niyang mabitawan ang kontrol sa unang apat na makinang namanipula niya. Nang mawala ang sakit sa ulo niya, umiling-iling siya at huminga muna nang malalim. He decided to take it slow just so his body can easily adapt to the stress and the physical strain of what he is doing.

Nagsimula siyang muli sa unang monitor na nasa bandang kanan, bago idinagdag ang ikalawa, hanggang sa nagawa niya nang kontrolin ang kalahati ng mga monitors at mga machines na kailangan niyang manipulahin para maayos ang sahig na kinatatayuan niya.

Pero nang umabot siya sa pang-anim, bumalik ang sakit sa ulo niya. Pero kahit pa nahihirapan, sinigurado ni Vladimir na mananatili ang kontrol niya. Nagsimula siyang sumigaw dahil sa hirap na nararamdaman, hanggang sa tuluyan nang mapasok ng isip niya ang ikapitong monitor.

When he started with the eighth monitor, his power slightly faltered because of the physical strain it is causing him. The lights momentarily dimmed and the monitors went slightly chaotic, before Vladimir immediately recovered and managed to take control again.

Pagkatapos noon, inilipat na ni Vladimir ang atensyon sa ikasiyam na monitor, kasabay ng pagkontrol niya sa mga naunang teknolohiya sa loob ng simulation room. When his mind started to fix the second to the last monitor, the agony worsened, and the sharp pain inside his head became prolonged.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon