044. Revealing A Monster

4.2K 343 27
                                    

Bago dumiretso sa lamay ni Helga, dumaan muna si Daniel sa isang flower shop kung saan siya bumili ng mga bulaklak at pati na ilang kandila bago bumalik sa sasakyan para ipagpatuloy ang byahe niya. Inabot siya ng mahigit kalahating oras bago tumigil ang gamit niyang kotse sa parking area ng isang sementeryo.

Dala ang mga bulaklak at kandila sa mga kamay niya, pumasok siya sa loob at dumiretso sa puntod na palagi niyang binibisita doon. When he finally reached the grave, he placed the flowers that he bought on it, and lit some candles, before sitting on the grass and just looking at it.

"Kung buhay ka pa sana, 23 ka na ngayon... Happy birthday, Michael." Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Daniel habang pinagmamasdan ang pangalan sa puntod na iyon – Michael Esteves.

Upon puberty, Daniel's abilities started to manifest. His power to produce small glass-like bubbles that can turn into massive domes started when he was in the 6th grade. Itinago niya iyon mula sa mga magulang dahil sa takot, pero umabot sa puntong hindi niya na iyon makontrol. Because of his failure to control it, he ended up destroying their house and hurting his family.

Pero sa halip na tulungan siya at intindihin, kinatakutan siya pamilya niya. Sa murang edad, pinili ni Daniel na lumayo dahil alam niyang mismong ang mga magulang niya rin ang magtatapon sa kanya palayo.

Pagkatapos ng matagal na pagpapalaboy-laboy ay nahanap siya ni Anastasia Ledesma, ang ina ni Dr. Anthony Ledesma na siyang naging tatay ni Jacob. He then grew up along other metahumans, and understood why the hardships had to happen in his life. He understood that not everyone will understand his peculiarity – not even his own family.

Dumaan ang mga taon, at tinanggap niya na rin na hindi na siya magiging bahagi ng pamilyang kinatatakutan siya. Pinili niya na lamang na manatili kasama ang mga katulad niyang metahumans, hanggang sa nakayanan niya nang mabuhay nang mag-isa.

Nag-aral siya, nagtrabaho, hanggang sa nakapasok siya sa Paramount Laboratories. Noong bata pa siya, kilala ang organisasyon na pinapamahalaan ng mga katulad nilang metahumans, at halos lahat ng mga kagaya niya ay nangangarap na makapagtrabaho. Pero habang nagsisimula bilang intern, doon niya nadiskubre ang katotohanan sa mga ginagawa ng Paramount Laboratories.

But he stayed quiet as instructed by the other metahumans in the Sanctum, and for a decade, Daniel was dedicated to his job as a class adviser, not just because he needs to stay in the laboratories to accomplish his mission as a spy but also because he deeply cared about the young metahumans he gets to meet and mentor in the program. He understood their confusion and fear regarding their abilities, and he shares their pride and joy once they finally learn how to control their powers.

Even though he had a different goal, he was happy to be a part of the growth of his students, but felt bad with the obvious special treatment they received when some students out of the Paramount Program deserved it too.

At kabilang sa mga estudyanteng iyon si Michael – ang nakababata niyang kapatid. Pagkalipas ng ilang taon pagkatapos niyang lumayas, nagbuntis muli ang nanay niya at pinanganak ang kapatid niyang lalaki. Nang malaman niyang nag-aaral ang kapatid sa Faircastle High School, nagsimula na siyang bantayan ito.

Michael was intelligent, ambitious, and full of vigor. He always wanted to learn more about things, and aspired to be the best. Knowing what the Paramount Program is and how it provides perks to those who manage to get in it, Michael tried his best thinking that he might stand a chance to be a part of the prominent group of students.

Pero alam ni Daniel na imposible para kay Michael na maging bahagi ng Paramount Class dahil hindi naman ito isang metahuman katulad niya. Sa huli, hindi rin nakapasok si Michael, at labis na nanlumo ang binata dahil hindi natupad ang gusto niya kahit pa pinaghirapan niyang makasali sa Paramount Class.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon