028. Rare

5K 365 71
                                    

Nang imulat ni Gwen ang mga mata, ramdam niya ang bigat ng katawan at hirap sa paghinga. Muli na naman niyang napanaginipan ang nangyari sa ampunan, kaya hindi niya mapigilang maging tensyonado. Mas napapadalas ang pagkakaroon niya ng mga ganoong panaginip, kaya hindi niya mapigilang mag-alala.

Pagbangon niya sa kama, napansin niyang pumapasok na ang sikat ng araw sa loob ng kwarto niya. Nang mapatingin siya sa digital clock na nasa ibabaw ng bedside table niya, nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong malapit na siyang mahuli sa klase kung hindi pa siya gagalaw ngayon.

Napamura siya bago tumalon mula sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Mabilis niyang inayos ang sarili at nang tuluyan nang makapaghanda ay mabilis siyang lumabas ng kwarto. Ilang minuto na lang bago magsimula ang unang klase niya, kaya kailangan niya nang magmadali.

Habang inaayos ang pagkakabutones ng uniporme niya ay napansin niyang nagmamadali ring naglakad palapit sa kanya si Jacob. Mukhang katulad niya rin ito na nahuli ng gising dahil tumutulo sa uniporme nito ang tubig mula sa buhok niya.

"Late ka rin?" tanong ni Jacob sa kanya habang nakangiti.

"Hindi. Late na tayong dalawa. Magkaklase tayo sa subject na 'to, sira..." sagot ni Gwen habang sabay silang bumababa ng hagdan. Halos lumipad na ang dalawa para lang makalabas ng Paramount Building.

Nang makalabas sila, napansin nilang naglalakad pa lamang papunta sa klase nila ang professor na magtuturo sa kanila sa first subject. Nagtinginan sina Jacob at Gwen, at mabilis na tumakbo para maunahan ang guro sa klase nila.

Habang tumatakbo, mabilis na inabutan ng pagod si Jacob kaya bumagal ito. Nagsalubong ang mga kilay ni Gwen dahil sa nangyari, kaya mabilis niya itong binalikan at kinuha ang kamay ng lalaki.

"Ang bagal mo naman, Jacob. Tara na kasi..." ani ng dalaga bago nagsimulang kaladkarin si Jacob habang tumatakbo.

Wala nang nagawa pa si Jacob, at hinayaan na lamang ang kasama na hilahin siya para makasabay siya sa bilis nito. Pakiramdam ni Jacob ay babagsak na siya sa lupa dahil sa ginagawa nila, pero wala na siyang pagpipilian dahil kung hindi siya magpapakaladkad ay paniguradong iiwan siya ng kaibigan doon.

Habang tumatakbo ang dalawa, napadaan sila sa LMID building, kung saan sakto namang nasa labas sina Vladimir kasama ang iba niyang mga kaklase.

Nakita ng lalaki ang magkasabay na pagtakbo ng dalawa, at hindi nito maiwasang mapansin ang magkahawak na kamay nina Jacob at Gwen. Sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa makapasok ang mga ito sa school building ng InterID para sa una nilang subject.

When the two finally disappeared from his sight, Vladimir's expression remained calm, but looked serious.

********

Kasabay ng lunch break ay ang pag-release ng quarterly grades at rankings para sa bawat intelligence division. Ipinapaalam naman sa lahat ng mga estudyante ang mga grades at rankings nila, pero tanging ang top ten mula saw along intelligence divisions ang ipinapaskil sa malaking bulletin board sa entrance ng main hall ng school.

Agad na nagtipon doon ang karamihan sa mga estudyante, lalo na ang mga estudyante mula sa LMID kabilang na si Vladimir.

Pagdating niya roon kasama ang mga kaklase, napansin niyang naroon na rin ang iba pa niyang mga kasamahan sa Paramount Class, pero pinili niyang manatili na lamang sa mga kaklase nang mapansin niyang sina Jacob, Sketch, Axis, at Nico ang kasama ni Gwen.

Gaya ng dati, si Vladimir pa rin ang nag-top sa intelligence division nila. Iyon nga lang, medyo disappointed siya dahil bumaba ang average grade niya. Napahinga siya nang malalim, dahil alam niyang mapapansin ito ng mga magulang niya na mas conscious pa ata sa grades kaysa sa kanya.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon