024. Taking the Lid Off

5.7K 413 117
                                        

Nagsalubong ang mga kilay ni Gwen habang pinagmamasdan si Vladimir na tumayo na mula sa lupang kinauupuan niya. "Sigurado kang okay ka lang talaga?"

Tumango si Vladimir habang pinapagpag ang suot. "Oo... Okay lang talaga ako. Ikaw, okay ka lang?"

Gwen snorted and chuckled at him. "Gago ka ba? Ikaw 'yung sinasaktan kanina tapos ako ang tatanungin mo."

Vladimir realized what she said made sense, so he stopped insisting on the question. "I'm not harmed. But my head is just aching badly..."

"Alam mo, dapat sabihin natin 'to kay Sir Daniel –"

"Huwag," Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Vladimir dahil sa sinabi ng dalaga, at bigla siyang naging aligaga, "Huwag na. There's no need to do that."

"Anong 'huwag'? Eh muntik ka nang mapahamak. And obviously, the one who did that to you is a metahuman... Nakita ko siyang tumagos sa pader kaya nakatakas siya."

"Basta huwag na," he said while shaking his head, "Okay na rin naman ako. Ako na ang bahala sa sarili ko."

Gwen sighed and shook her head, "Damn, you're so stubborn."

"Basta huwag mo na akong pakialaman," tugon niya sa babae habang patuloy ang pagtanggal niya ng dumi sa suot niyang pantalon.

Habang ginagawa niya iyon, patuloy rin siyang tinititigan ni Gwen. Bahagya siyang nakaramdam ng pagkailang, kaya agad niya itong sinita.

"Why the hell are you looking at me?"

Gwen sighed, then placed her hands inside the pockets of the pants she is wearing. "Nag-aalala ako sa'yo eh. Baka kapag iniwan kita, mapano ka na naman."

"Kaya ko ang sarili ko –"

"Gusto mong kumain?" Gwen suddenly asked as she moved towards him, a bright smile pasted on her face.

Vladimir was startled not just because of the question, but because of the small distance between the two of them. Dahil malapit sa kanya ang mukha ni Gwen, nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha nito nang maayos. For a moment, he felt mesmerized, realizing how feminine and chic her features are.

"H-ha?" Hindi alam ni Vladimir kung ano ang isasagot.

"Ang sabi ko, kung gusto mong kumain. You need to loosen up, you know," tugon ni Gwen bago bahagyang pinalo ang braso ni Vladimir dahilan para mapatingin ang lalaki sa bahagi kung saan lumapat ang kamay ng dalaga, bago muling ibinaling ang tingin sa kaharap, "You look so tensed after what happened. Huwag kang mag-alala. Medyo okay ang takbo ng utak ko ngayon kaya ililibre kita."

"H-huwag na –"

"Nakakairita na 'yang pagsagot mo ng 'huwag', alam mo 'yun?" Gwen told him, her eyes squinting a little, "Sumama ka na lang sa 'kin."

Hindi na nakasagot pa si Vladimir, at hinayaan na lamang niya si Gwen na dalhin siya sa isang bagong-bukas na café malapit sa campus nila. Bago pa lamang ang lugar kaya wala pa masyadong customers na nagpupunta.

"Cafés lose their charm when a lot of people start flocking on them, you know... Kaya mahirap makahanap ng lugar na pwedeng tambayan habang nagrerelax at umiinom ng kape eh... Wait – Do you drink coffee? What do you like?"

"I... I do drink coffee..." Vladimir softly replied as he took a seat on a table good for two persons. "J-just... Caramel macchiato will be fine."

A smile appeared on Gwen's face, before she giggled. "Aw, that's a nice choice... For someone with a personality like yours, it's cute that you like the sweet stuff."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now