019. The Troubled Mind

5.8K 417 32
                                        

Habang nasa after-school classes sila, panay ang pagpasada ni Vladimir ng tingin kay Jacob. Hindi mawala sa isipan niya na baka pinagtitripan lang siya nito dahil sa pagpupumilit nito na wala siyang maalala tungkol sa tatlong expelled na miyembro ng Paramount Class. Alam niyang merong mali, at maraming teorya na pumapasok sa isip niya. Iyon nga lang, hindi niya alam kung saan magsisimula para kumpirmahin ang mga iyon.

Maya-maya ay itinuon niya ang pansin sa class adviser nila na si Daniel Arevalo. Doon nabuo ang kuryosidad ni Vladimir sa guro. Magmula sa pinakaunang batch ng Paramount Class ay naroon na ang lalaki, at paniguradong alam nito ang nangyari sa tatlong estudyante na tinanggal sa mga batch na pinagmulan ng mga ito.

Tama... Kung maghahanap ako ng sagot, dapat sa kanya ako magsimula, ani Vladimir sa sarili habang pinagmamasdan ang class adviser nila.

When the class was about to wrap up, Vladimir suddenly raised his hand.

"Ano 'yun, Vladimir?" tanong sa kanya ni Daniel.

"Kayo po, Sir... Metahuman din po ba kayo? Do you have any special abilities just like us?"

Saglit na natigilan si Daniel, na tila nag-alangan dahil sa biglang pagtatanong niya rito. "I don't think that's really relevant, Vladimir."

"I know, and I'm sorry for the sudden question but I'm just really curious. Magmula noong unang na-implement ang Paramount Program dito sa Faircastle High School, you have been its class adviser. I'm pretty sure you're not going to be chosen to handle this class unless... you're just like us."

"Alright, alright..." Tumango-tango ang class adviser, "Yes, I am a metahuman too. Phasing ang ability ko. I don't really use it a lot, dahil nanghihina ako kapag ginagamit ko 'yun. My body composition gets a little messed up at the molecular level, kaya iniiwasan ko dahil posibleng masira ang molecular composition ko. Hindi ko na natutunang kontrolin iyon dahil na rin pwede akong mamatay o maglaho kapag paulit-ulit kong ginamit iyon. Minsan talaga, merong mga downside ang pagiging isang metahuman."

"Wow..." manghang saad ni Sketch, "So kaya po ninyong tumagos sa kahit anong solid object? That's so cool! Pwede po bang ipaliwanag niyo pa ang ability ninyo sa amin?"

"Naku, huwag na. Kung ako sa inyo, maghanda na lang kayo para sa activity ninyo ngayong gabi."

Emma was confused. "Bakit po? Ano po bang meron?"

"Oh dear... Nakalimutan niyo na ba?" Umiling-iling si Daniel habang nakangiti, "May quarterly assessment ang school director sa inyo. Gusto niya kayong makausap, just to keep track of your development here in the Paramount Program. Pagkatapos ng dinner, dumiretso na kayo sa main hall. Naghihintay kami doon."

Pagkatapos magbilin ng guro ay tuluyan na itong nagpaalam sa kanila para maghanda sa magiging aktibidad nila mamaya. Sunod naman na nagsialisan ang iba pang mga miyembro ng Paramount Class hanggang sina Vladimir at Jacob na lang ang matira.

Aalis na rin sana si Vladimir, pero bigla siyang tinawag ni Jacob na papalapit na rin sa kanya.

"Vladimir, pwede ba tayong mag-usap?"

"Tungkol saan?"

"Doon sa files na pinakita mo... Pwede ko bang mahiram 'yun?"

Nagsalubong ang mga kilay ni Vladimir habang pinagmamasdan ang kaharap. "Hihiramin mo? Akala ko ba wala kang maalala?"

"Wala nga, pero... Hindi ko kasi maintindihan eh. Basta nitong nakaraan, pakiramdam ko meron akong nakalimutan. Tapos nung weekend, may kaunting alaala na pumapasok sa utak ko... Hanggang sa panaginip ko, kung anu-ano ang nakikita ko..."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant