"So this is where that address you saw brought us..." ani Gwen habang pinagmamasdan ang malaking warehouse na nasa kabilang dako ng kalsada, "Sobrang nakakaduda naman ng lugar na 'to... Bakit kailangang ganito karaming guwardiya. Halatang-halata na meron silang tinatagong kung ano dito."
Para makapunta sa lokasyon na iyon, gumamit sila ng isang pampublikong sasakyan sa halip na kotse ni Vladimir para hindi sila masundan o mapagdudahan. The journey led them to an area a little far from the city, and is surrounded by a residential area. In the end, they chose to walk along the road until they found themselves on a massive lot covered with trees and lush vegetation, where they saw a large and plain-looking warehouse in the middle of it.
Habang nakatago sa likod ng isang puno, kitang-kita ng dalawa kung gaano kalawak ang lugar at kung gaano katindi ang seguridad doon. May mga camera rin sa mga tagong sulok, at sa tingin nila ay may mga traps din sa paligid ng area na iyon.
"Kailangan nating makapasok sa loob," ani Gwen habang pinagmamasdan ang warehouse.
Nanlaki ang mga mata ni Vladimir. "T-teka... Sigurado ka? Kailangan ba talaga nating pumasok sa loob?"
Tinanguan siya ng babae. "Oo naman..."
"When I told you about that address, I wasn't trying to make you get inside and risk your life, Gwen..."
Pero pinaningkitan lamang siya ng dalaga. "We're not going to die if we kill them first."
Halos maihilamos ni Vladimir ang mga kamay sa mukha niya. "Seryoso ka ba talaga dito? O sige... Sabihin na nating papasok ka talaga. Paano? Nakikita mo naman, hindi ba? Guwardiyado 'yung buong lugar. If we happen to get caught, who knows what they might do to the both of us?"
Gwen nodded, and it is obvious that she is not taking Vladimir's precautions seriously. "You're right... You know, Leia will be very helpful right now if she's here... Kaya niyang kontrolin ang mga hayop... Pwede siyang gumamit ng lumilipad na insekto o kaya ibon para makita natin kung may mga pwedeng madaanan sa likod niyan. Just like a drone, right? I mean, there must be a flaw in the system, right?"
"Well, obviously, she's not here... So can we just go?"
Pinandilatan siya ni Gwen. "Hindi ako aalis hangga't wala akong nakukuhang impormasyon. Bakit, natatakot ka ba?"
Vladimir sighed in frustration. "Hindi naman ako makapagsisinungaling sa'yo, hindi ba? Syempre natatakot ako... Natatakot ako na mapahamak ka kasi hindi ko alam kung kaya kitang protektahan."
Gwen grinned, then held his hand tight. "Hindi ako masasaktan o mapapahamak. Magtiwala ka sa 'kin. Besides, how can they even hurt us? We're metahumans, remember?"
"Alright then..." Vladimir sounded defeated, "Anong gusto mong gawin ko?"
"I want you to start controlling their security system from here, and then we'll go out and we'll let ourselves in..." Gwen told him, with determination in her eyes.
Wala nang choice si Vladimir kundi ang sumunod, at gamit ang technopathy, nagsimula na niyang manipulahin ang security system ng lugar. He made sure that he is in control with the cameras by the gates and the walls surrounding the warehouse.
"Sa ngayon, nagagamit ko na ang kakayahan ko through telepathy, pero ilang metro lang ang naaabot nun..." Vladimir told her as he concentrated, "Pero kung makakalapit pa tayo, mas madali kong makokontrol lahat."
Nginitian siya ni Gwen. "Okay lang 'yan. Ang kailangan lang naman, makontrol mo ang mga cameras at sensors na malapit sa atin para hindi tayo mahuli."
"Teka... Paano 'yung mga guards?" tanong ni Vladimir.
She then smirked. "I'll handle them. Just wait here."

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...