Nang marating na ni Jacob ang huling palapag ng gusaling iyon, doon niya inabutan si Benjamin na pinapanood ang nangyayaring gulo sa baba. Nakakulong naman ang nanay niya sa isang maliit na silid doon na gawa sa salamin, at halatang pagod at nanghihina na ang babae.
"You're finally here..." Benjamin said with an ominous smile once he saw him standing by the entrance.
"Pakawalan mo ang nanay ko," galit na saad ni Jacob habang maingat na naglalakad palapit sa pwesto ni Benjamin.
"I will let her go, but you have to stay to take her place..."
Nagkuyom ang mga kamao at nagsalubong ang mga kilay ni Jacob habang kaharap ang school director. "Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng 'to? Para saan ang paglikha mo ng maraming mga katulad natin?"
Ngumisi si Benjamin. "Young man, this revolution is not going to start by itself, right?"
"Rebolusyon?"
"Yes, young man..." tugon ni Benjamin, "Isang rebolusyon laban sa lahi na tinatrato tayo bilang mga halimaw sa mundong 'to..."
"Kung ipagpapatuloy mo ang mga ginagawa mo, mas lalo lang nilang iisipin na halimaw ang uri natin. Lalo lang silang magagalit sa 'tin."
Tumawa si Benjamin bilang tugon. "No, they're not going to hate us. Not if there are no humans to hate us anymore. I want them to fear us... And soon, the dawn of metahumans will arrive – a world where the people who despise us will fear us for the power that we have... They will know their place, and will finally recognize that we, the metahumans, are the most evolved..."
"At sa tingin mo, magiging bayani ka sa gagawin mo?" galit na untag ni Jacob sa lalaking kaharap, "At ginamit mo pa ang proyekto ng tatay ko para mangyari ang gusto mo... Biktima mo rin siya dahil ikaw ang pumatay sa kanya, hindi ba?"
"Ah... So you already know about it," Benjamin smirked as he shook his head, "Alam mo Jacob, kahit wala na ang tatay mo, bahagi pa rin siya ng lahat ng ito. Mataas ang respeto ko sa kanya –"
"Pero pinatay mo siya."
"Pinatay ko man siya o hindi, wala ka nang magagawa dahil ang bottomline, wala na siya," Benjamin responded in a nonchalant way, "And don't worry... Once I succeed, I will see to it that he will be a part of this magnificent event. He will be a part of history leading to the dawn of metahumans."
"Metahumans aren't monsters... But that statement becomes true with you," ani Jacob habang nakatuon ang nanlilisik niyang mga mata sa school director, "Hindi ka tao, Benjamin... Halang ang kaluluwa mo... Ikaw ang totoong halimaw."
"Jacob, some people are born to live and become who they are destined to be... And some die just to be a part of their journey to greatness. And besides, no one would care about the truth anymore. You see, history is told not by heroes, but by those who stay and survive."
"Hindi mangyayari ang gusto mo," tugon ni Jacob sa lalaki, "Dahil sisiguraduhin naming masisira ang lahat ng mga plano mo. Marami kami. Natatalo na namin ang mga tao mo. Kung ako sa'yo, pakawalan mo na ang nanay ko at sumuko ka na sa 'min..."
"Paano kung hindi ko gawin ang sinasabi mo?"
Unti-unting naglakad si Jacob palapit sa school director. "Kapag hindi ka pa sumuko –"
"Papatayin mo ako?" tanong ni Benjamin sa kanya, bago ito tumawa nang malakas upang insultuhin siya, "At ano ang gagawin mo? Paiiyakin mo ako hanggang sa mahimatay ako? Patatawanin hanggang sa maubusan ng hininga? You're just an empath, Jacob. You're special, yes. But you're not dangerous."
Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Jacob habang nakatitig siya nang direkta sa mga mata ni Benjamin. "Maraming klase ng mga emosyon, Director... At minsan, pwede ka nitong patayin..."

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...