It was weekend, and that morning, Leia decided to go out of the Sanctumus to visit a place she has been thinking about for a few days now. She hailed a taxi to go to the place, and while inside the vehicle, she is holding on to a small piece of paper in her hand. On it, an address is written – something that she kept on looking at as she went on her way to the place.
Habang nasa biyahe, maraming bagay ang tumatakbo sa isipan ni Leia noong mga sandaling iyon. Magkahalong kaba, tensyon, at interes ang nararamdaman niya noong mga sandaling iyon, na dahilan para mas lalong lumakas ng tibok ng puso niya.
Maliban sa pag-iisip ng maaaring mangyari mamaya, naalala niya rin ang naging pag-uusap nila ng class adviser na si Daniel, at muling naisip ang tanong na ibinigay nito sa kanya. Matapos niyang malaman sa pamamagitan ni Emma na ang tinig ni Daniel ang narinig nito sa gamit na iniwan sa kanya ni Helga, agad siyang dumiretso sa lalaki para masagot ang mga tanong niya.
Hindi direktang sinagot ng class adviser ang mga katanungan niya, pero binigyan siya nito ng direksyon para matunton niya ang kailangan niya.
"We all find our way to the answers we need, don't we?"
Nagsalubong ang dulo ng mga kilay ni Leia. "Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Look, Leia... Right now is not really a safe time to know the truth, but I'm going to give you two choices. Pwede mong kalimutan ang lahat ng ito at tahimik na tapusin ang school year bilang miyembro ng Paramount Class gaya ngayon. Maybe, we can even alter that unfortunate memory of yours with your stepfather..."
Nanlaki ang mga mata ni Leia. "Teka... Paano mo –"
"Or..." Daniel halted her from talking, "I'm going to guide you to the truth that you deserve to know. However, there is a corresponding burden in knowing the reality about who you are, where you came from, and what is currently happening. Just like that coin, there are two sides to this situation. Pwede mong kalimutan ang lahat ng mga nalaman mo, o pwede ka ring dumiretso para masagot ang mga tanong sa loob ng isipan mo."
"At kapag pinili kong malaman ang totoo, ano pong mangyayari sa 'kin?" tanong ng dalaga.
"Nakadepende pa rin iyon sa'yo, Leia. Once you find out what the truth is, you're going to know by yourself what you want to do with it. Pero may katapat na responsibilidad at panganib ang pag-alam ng katotohanan, kaya pwede mo ring takbuhan at iwasan –"
"Kahit naman iwasan ko, hahabulin pa rin naman ako ng katotohanan na 'yan. Sa huli, wala naman akong magagawa..." Leia then said, her voice stern yet soft, "I don't want to be weak and clueless anymore... There are so many questions in my head about my father that I want to know, and I can't stop now. I don't want to stop, especially now that I got this far."
Isang maliit ngunit makahulugang ngiti ang nabuo sa mukha ni Daniel, bago siya kumuha ng isang maliit na piraso ng papel. May isinulat siya roon, bago iniabot sa kanya.
Leia was a little hesitant, but still accepted it.
"Ano 'to?" tanong ni Leia, "Address?"
Tumango si Daniel. "May naghihintay sa'yo diyan.... There, you'll know everything you need to know."
Ang papel na hawak niya ay ang mismong ibinigay sa kanya ni Daniel, na hindi niya mabitawan habang lulan pa rin siya ng sasakyan. Agad niya iyong ibinulsa nang tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang maliit na bahay.
Pero hindi pa iyon ang totoong destinasyon niya, dahil ang totoo ay sinabihan siya ni Daniel na doon na lamang bumaba dahil kailangan niyang lakarin ang papunta sa mismong bahay na nakalagay sa address. That is the reason why Leia got off the car even though she is still two blocks away from the place.

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...