Nasa klase noon si Jacob at wala sa sariling nakikinig sa lecture ng professor nila, nang bigla siyang mapaupo ng diretso dahil sa mahinang tinig ni Gwen sumagi sa isipan niya. The message was faint and incomprehensible and was easy to dismiss, but he cannot help but feel nervous about it. Gusto niyang sanang huwag seryosohin ang tinig ni Gwen na sumagi sa isipan niya, pero habang nagtatagal siya sa kinauupuan ay parang mas lalo lamang siyang nag-aalala at mas atat na lumabas ng klase.
Makalipas ang ilang minuto, tuluyan na siyang tumayo sa kinauupuan at nagpaalam sa guro dahil talagang hindi na siya mapanatag. Mabuti na lamang at medyo biased sa kanya ang teacher nila sa subject na iyon dahil nga miyembro siya ng Paramount Class, kaya hinayaan na lamang siya nitong lumabas.
Pagtuntong niya sa labas ng classroom ay mabilis siyang naglakad papunta sa klase ni Gwen sa kabilang building. Inisa-isa niya ang mga classroom doon para silipin kung naroon si Gwen, pero hindi niya ito nakita kahit saan kaya mas lalo siyang nag-alala.
Kasunod noon ay dumiretso siya sa Paramount Building, umaasang nasa kwarto lamang ito at hindi pumasok sa klase. Pero maging doon ay wala rin ang babae, dahilan para mas lalo siyang maging aligaga.
Habang palabas ng gusali, nakasalubong niya ang class adviser nila. Bakas ang pagtataka sa mukha dala marahil ng inaasta niya noong mga sandaling iyon.
Kahit pa hindi na siya nagtitiwala kay Daniel, wala rin siyang choice dahil kailangan niya ng tulong para mahanap ang kaibigan.
"May problema ba, Jacob?"
"Si Gwen po kasi... Nawawala. Kanina lang, parang narinig ko 'yung boses niya sa isipan ko. Hindi ko naman sana papansinin, pero pagkatapos kong marinig 'yun, hindi na ako mapanatag. Wala siya sa klase, at wala rin po siya sa kwarto niya."
Nag-aalala si Daniel dahil sa sinabi ng binata. "Do you think she might be in danger?"
"Hindi ko po alam... I hope not..."
Dahil sa sitwasyon, agad na ipinatawag ni Daniel ang iba pang mga miyembro ng Paramount Class. He made sure they are excused from their respective classes, at nagtipon sila sa harap ng main building. Nang dumating sina Nico, Sketch, Axis, Emma, at Leia, agad na sinabi nina Jacob at Daniel ang nangyari.
Ang problema, maliban kay Gwen, wala rin doon si Vladimir.
"Nasaan pala 'yun?" tanong ni Sketch habang panay ang pagmamasid sa buong paligid.
"Hindi kaya magkasama sila ni Gwen?" tugon sa kanya ni Emma.
Habang nag-uusap ang lahat, nanatiling tahimik si Axis, na tila ba may pilit na pinapakinggan sa kapaligiran. Hindi nagtagal ay nanlaki ang mga mata nito at biglang nagsalita.
"Naririnig ko si Gwen..."
Hindi niya na hinintay na makasagot pa ang mga kasama, at sa halip ay mabilis na tumakbo si Axis papunta sa pinanggagalingan ng tinig ni Gwen. Agad namang sumunod sa kanya ang iba, hanggang sa marating nila ang nasusunog na lumang storage room. Naabutan din nila si Vladimir na tahimik na nakatayo sa harap ng nasusunog na istruktura at tila wala sa sarili.
"Nasa loob si Gwen... Naririnig ko ang paghinga niya," ani Axis habang nakatingin sa malalaking apoy na lumalamon sa lugar.
Narinig ni Sketch na tila may padaan na mga tao malapit sa kung saan sila naroon, kaya agad siyang gumalaw. Gamit ang kakayahang gumawa ng 3D imagery, gumawa siya ng imahe ng isang malaking pader para palibutan sila.
Mabilis namang gumalaw ang iba, na naghanap ng fire extinguisher at mapagkukunan ng tubig para patayin ang apoy. Inutusan ni Sketch na humiwalay sa katawan niya ang tatlo niyang duplicates para tumulong sa pagpatay ng apoy na unti-unting lumalamon sa storage room.

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...