067. Betrayal

3.2K 242 21
                                    

Habang hinihintay ang signal mula kay Daniel, nanatiling alerto si Helga sa pinagtataguan niya habang matiyaga ring nakabantay sa mga kasamahan niyang nakapwesto sa paligid. Sinisigurado niyang nasa posisyon pa ang mga ito, habang sinasabay ang panonood sa nangyayaring quarterly assessment na naka-display sa mga screen.

Ilang minuto pagkalipas ng paglabas ni Gwen sa simulation room, itinuon ni Helga ang tingin sa direksyon ni Elise. Doon niya napagtanto na wala na ang babae sa kinauupuan nito. Bahagya siyang nagduda, pero isinawalang-bahala niya na lamang ito at naisip na posibleng nag-banyo lamang ang babae.

Pagkatapos noon, itinuon naman ni Helga ang tingin sa kinatatayuan ni Nathan. Laking gulat niya nang makitang nakapwesto ang isang guard mula sa likod ng lalaki, at mabilis na naglagay ng neutralizing collar sa leeg nito. Agad nitong tinanggal ang epekto ng abilidad ni Nathan na mag-shapeshift, kaya lumabas ang totoo niyang anyo.

Helga started to panic at what she is seeing, but she knows she has to be careful in order not to cause a ruckus and complicate their situation. If she tries to save him, she will put their team in the risk of getting caught, and all their efforts of infiltrating the place will be completely ruined.

Instinctively, she then looked towards the space where Alexander and Dominic are hiding. Her anxiety and stress now worsened, as she watched two guards already situated behind the two young men. Before she could even warn them, neutralizing collars are now placed on their necks, removing the effect of Alexander's power, revealing their bodies.

Nakita ni Gustaf ang nangyari sa kapatid niya, at binalak niyang tumakbo papunta rito para iligtas ito. Pero agad siyang pinigilan ni Helga, dahilan para manlumo at magalit ito.

"Kinuha na nila ang kapatid ko, Helga..." gigil na bulong ni Gustaf, "Hindi ako pwedeng basta manatili rito at maghintay. Kailangan kong iligtas ang kapatid ko."

"Pero mahuhuli nila tayo, Gustaf..." tugon ni Helga, "Sigurado akong kinuha na rin nila si Elise... Si Nathan, nakuha na rin. Sina Luna at Apollo na lang ang pag-asa natin –"

Before Helga could even finish her sentence, a scream emerged from the other far end of the hall, and two guards seemed to be holding two bodies that occupy space but cannot be seen. When the two guards placed neutralizing collars on the bodies, siblings Apollo and Luna are then revealed, while still holding each other's hands and not allowing the guards to separate the two of them.

"Fuck..." galit na bulong ni Helga sa sarili habang pinapanood ang pagtangay ng mga guwardiya sa magkapatid, "Gustaf, kailangan na nating –"

"Hindi ako si Gustaf."

Paglingon ni Helga, may nakakabit nang neutralizing collar sa leeg ni Gustaf habang nilalagyan ng posas ng isang guard ang mga kamay nito. Ang taong nagsalita kanina ay ang mismong lalaki na pumatay sa kanya noon, at may hawak itong isa pang collar na tiyak niyang para na sa kanya.

"Nagkita ulit tayo..." ani ng lalaki na nakangisi pa.

Hindi sumagot si Helga, at sa halip ay maingat na iniangat ang kamay para mahawakan ang lalaking kaharap. But before she could do that, the bigger and stronger person in front of her held her wrist, and with sheer force, placed the neutralizing collar on her neck.

Agad siyang nilagyan ng posas ng lalaki, na binulungan naman siya sa tenga.

"Sa susunod na magpaplano kayo ulit ng ganito, galingan niyo naman. You made a mistake of trusting him, and now... it's game over."

********

Pagpasok niya sa simulation room na dinisenyo para sa kakayahan niya, bahagyang nag-alangan si Jacob dahil medyo madilim ang lugar. Sa katiting na ilaw na nasa loob, nagawa niyang makita ang mga anino at pigura ng mga tao na metro ang layo mula sa kinatatayuan niya. He can also hear growling and screaming, which made him a little more scared and cautious as he moved further into the room.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon