041. Growing Suspicions

4.2K 294 19
                                    

Habang naglalakad sa ikalawang palapag ng main building, napansin ni Axis na malapit na siyang mapadaan sa harap ng opisina ng school administrator. Nang ilang hakbang na lamang siya mula rito, bahagya niyang binagalan ang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalampas dito. Pagkatapos noon ay tumigil siya sa tapat ng opisina ng faculty, at pasimpleng ikinubli ang sarili habang pinagmamasdan ang babae. Hindi nagtagal ay nakita niyang tumayo ito mula sa kinauupuan at tila may kausap sa phone na hawak nito.

Kahit pa ilang metro ang layo niya mula sa opisina, ginamit ni Axis ang kakayahan niya para pakinggan ang mga sinasabi ng babae sa kausap nito sa tawag. But as he continued perceiving the phone call, he started to frown when he realized that he cannot get anything useful from it.

In the beginning, Axis just thought that Helga, the school administrator, is just the typical strict and disciplinarian woman who usually made students quiver in fear. Ni minsan ay hindi nakita ni Axis na magiging malalim ang koneksyon nito sa Paramount Program, lalo na't hindi niya naman ito nakikita sa mga activities nila. Hindi niya rin ito nakikita na kasama ang class adviser nila, kaya hindi niya ito binibigyan ng pansin.

But ever since that incident within the Paramount Building, his whole opinion changed.

Tandang-tanda niya pa ang mga nangyari noong umagang iyon, nang marinig niya ang mga bagay na hindi niya dapat narinig.

Nanggaling si Axis sa kwarto niya sa Paramount Building nang umagang iyon, at habang palabas siya ay narinig niya ang tinig ng school director at ng isang tinig na hindi niya kilala na papalapit sa gusali.

Palabas na siya dapat ng pinto noon, pero may kung anong nag-udyok sa kanya na manatili sa gusali at magtago hanggang sa makaakyat ang dalawang lalaki. Gusto niya pa ngang pagtawanan ang sarili noong mga sandaling iyon dahil para siyang ewan na nagtatago, kung pwede naman niyang harapin ang school director at ang kasama nito.

Pero noon pa man ay magkahalong intimidation at paghanga ang nararamdaman ni Axis kapag nakikita niya ito. He has always been intimidated and amused by the man's presence, knowing that he is the school director and the one that leads the Paramount Program. He is basically a man of authority, and even though Axis tends to be a little rebellious, he knows the people he should be wary of.

Mabilis na nagtago si Axis sa loob ng pantry na nasa tapat ng Paramount Clinic, isang lugar sa building na iyon na matagal nang tahimik magmula nang mawala ang doktor na si Lara. Wala pang dumadating na pamalit sa doktor nila sa Paramount Clinic, kaya sa main clinic muna sila ng school pumupunta.

"Bakit ba ako nagtatago?" bulong ni Axis sa sarili habang nakasandal ang katawan sa pinto ng pantry, "Para naman akong tanga nito... Hindi ko naman kailangang maging self-conscious eh. Bakit ba ako andito eh wala naman akong –"

"May tao ba sa loob?" Narinig ni Axis ang tinig ng isang hindi kilalang lalaki mula sa labas. Huminga siya nang malalim, bago ginamit ang kakayahan niya para hindi siya marinig mula sa loob ng pantry.

"It has been over a week since Lara disappeared..." narinig niyang tugon ng school director sa kasama nitong lalaki, "We believe that her disappearance is caused by another metahuman, but I can't just point fingers unless I understand what actually happened to her. She was last seen inside this clinic, but all of a sudden, she's gone. Nag-iimbestiga na ang mga tao ko, pero parang wala pa ring nangyayari. Hindi ko naman basta mailalagay ang atensyon ko sa paghahanap sa kanya o sa pag-alam ng totoo dahil marami rin akong ginagawa –"

"She's inside..." tugon ng lalaki na para bang siguradong-sigurado ito sa mga sinabi niya. Axis was even a little amused because the man was so certain about the knowledge he shared.

"Sino? Yung dahilan ng pagkawala ni Lara?"

"Hindi... Nasa loob ang doktor na hinahanap ninyo... She's still in this clinic, so your efforts in finding her are just plain useless."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon