"I have a subpower that comes alongside the superhuman mental processing abilities I possess. Nalaman ko lang nitong nakaraan habang pinag-aaralan ko ang kakayahan ko," ani Vladimir sa kanya, "I can absorb knowledge from humans within a few meters. Though I don't know the thoughts going on inside your head, I have the capability to know what you know. Pumapasok sa utak ko ang mga impormasyon at kaalaman na rumerehistro sa isip mo habang naglalakad ako sa tapat ng kwarto mo. So tell me, what the hell was that?"
"H-hindi ko alam... Hindi ko rin maintindihan," napabuntong-hininga si Jacob na hindi alam kung ano ang isasagot sa kaharap, "Alam kong naiinis ka sa 'kin, pero sana ilihim mo 'to... Please, Vladimir. Huwag mong ipagsasabi sa iba."
Kahit pa bakas ang pag-aalangan sa mukha ni Vladimir, hindi ito bulag para makita ang sinseridad sa mukha ni Jacob. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang kaimportante para sa lalaki na hindi malaman ng iba ang mga nabasa niya.
Magsasalita pa sana si Vladimir, pero biglang lumabas mula sa kwarto nito si Nico na agad na napatingin sa kanilang dalawa.
Nagsalubong ang mga kilay ni Nico, at agad na nilapitan si Jacob habang binibigyan ng masamang titig si Vladimir.
"Ano na naman ang problema mo?" tanong ni Nico kay Vladimir, "Gabing-gabi na pero hindi ka pa rin tumitigil sa pagpapaandar ng sama ng ugali mo?"
Vladimir rolled his eyes and gave the taller man a cold look. "Ikaw ba ang kausap ko? Eh ikaw 'tong sumasali sa pag-uusap namin –"
"Nasa restaurant ng pinsan niya si Sketch," biglang saad ni Nico na walang pakialam sa mga sinabi ni Vladimir, "Nag-text sa 'kin. Sabi niya pumunta daw tayo ngayon. Naghihintay siya dun."
"Annoying prick..." Vladimir just whispered to himself as he rolled his eyes and snorted, before started walking towards his room.
Nang tuluyan itong makaalis, isang nang-aasar na tawa ang namutawi mula kay Nico.
"Dapat pala hindi ko siya hinahayaang mag-isip ang ungas na 'yun para hindi siya makasagot. Eh 'di naisihan ko siya ngayon," natatawang saad ni Nico bago ibinaling ang tingin kay Jacob, "Ano na? Magbihis ka na. Puntahan natin si Sketch. Malapit lang naman 'yun dito. Meron na daw siyang table para sa 'tin. Masarap daw ang ramen dun."
Nag-aalangang tumango si Jacob. "S-sige... Teka lang."
Bumalik muna sa loob ng kwarto niya si Jacob para magbihis dahil nakapambahay lamang siya. Habang isinusuot ang sapatos, hindi niya mapigilang mag-alala dahil sa nangyari kanina. Hinihiling niya na lang na sana ay hindi gawing big deal ni Vladimir ang mga nalaman nito mula sa kanya, at hindi siya nito isumbong sa class adviser nila.
********
"Ang tagal na rin magmula noong makapunta tayo sa events ng pamilya ninyo..." ani Nelson sa partner na si Ulysses habang nagmamaneho, "Palagi kasi tayong busy eh..."
Napangiti si Ulysses bago tinapunan ng tingin ang mas malaking lalaki, "Sus... Hindi naman tayo busy eh. Talagang hindi lang nila tayo iniimbita dahil hindi komportable ang tatay ko na makita tayong dalawa."
Natawa na lamang si Nelson. "Ikaw naman... Ayoko namang mag-isip nang ganun."
Huminga nang malalim si Ulysses, at komportableng inihilig ang katawan sa nakalock na pinto ng kotse at tumanaw sa labas ng bintana. "Totoo naman 'yun eh. Kung hindi siguro namatay si Papa, hindi pa rin tayo makakapunta doon. Hindi ko talaga ma-gets kung bakit hirap siyang tanggapin tayo eh. Hindi lang naman ako nag-asawa ng babae, pero binigyan ko naman siya ng apo. Maganda pa. Hindi ba, anak?" tanong nito bago nilingon ang dalagang anak sa back seat.

YOU ARE READING
The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)
Science Fiction(This is a winner of Wattys 2020 under the Science Fiction category.) A group of students discover their unique abilities, and go through a mysterious journey of knowing the truth about their school, their power, and themselves. ******** Jacob neve...