065. Game of Survival

4.1K 277 19
                                        

Sketch's hands are clasped together as he entered the simulation room. He felt a little paranoid about the whole situation, since the room is dark and he felt the cold temperature of the place on his skin. He then closed his eyes, and waited until the lights in the room are finally turned on.

Nang maramdaman niya ang init mula sa mga ilaw ay saka lamang niya iminulat ang mga mata. Doon na tumambad sa kanya ang isang malaking bakal na kahon na nakapwesto sa kabilang dulo ng silid na iyon. Nang lapitan niya ito, namangha siya dahil halos kasinglaki niya ito, at may lubid na nakalabas mula sa butas sa gitna.

Pinulot niya ang lubid, at napagtanto niyang pwede pa itong humaba kapag patuloy niya itong hinila. It seemed like it is made from special fibers that looked metallic, and is slightly heavy to the touch.

"Ano kaya 'tong –"

Bago pa man matapos ang mga sinasabi niya, biglang nagkaroon ng mga kwadradong butas ang mga pader, at mula roon ay lumabas ang maliliit na metal tubes. Hindi nagtagal, naglabas iyon ng nakakabinging tunog. Napasigaw na lamang si Sketch dahil patuloy ang pananalanta ng tunog na iyon sa loob ng tenga niya habang hawak ang kakaibang lubid na kinuha niya mula sa bakal na kahon.

Because of the distress that he felt at the sudden occurrence, both Kei, Kit, and Steven separated from his body, all complaining about the loud noise.

"What the fuck is happening?" galit na tanong ni Kei habang pinagmamasdan ang buong silid na kinalalagyan nila, "At ano 'yang mga nasa pader? Parang mga dulo ng baril..."

Panay ang pagkagat ni Steven sa mga kuko ng daliri niya dahil sa panic at pag-aalala. "N-natatakot ako... Ano bang gagawin natin dito?"

Pinagmasdan ni Kit ang buong lugar, hanggang sa napansin niya ang lubid na hawak ni Sketch. "I think this rope has something to do with it."

Magsasalita na sana si Sketch, pero natigil iyon nang bigla na lamang maglabas ng mga maliliit na bolang bakal ang mga tubo sa pader. Kasinlaki lamang iyon ng mga holen, pero masakit kapag tumatama iyon sa katawan nila.

At the same time that the small metal orbs are hurled towards them, the extremely loud sound echoed inside the room again, making all of them feel stress and agony. And to add more complications to the problem, water started to emerge from the small holes on the walls inches above the floor, slowly filling up the room.

Naisip ni Sketch na posibleng tama nga si Kit na maaaring may koneksyon ang lubid sa mga nangyayari sa kanila sa loob. He then took courage, and started pulling it with all his strength.

Pero laking gulat niya nang maramdaman niyang tila may humihila rin mula sa loob ng kahon. Muntik niya nang mabitawan ang lubid dahil doon.

"Are you kidding me?" Sketch said in disbelief as the metal balls stopped hitting them momentarily while he is pulling the rope, "So tug-of-war lang pala ang kailangan kong gawin para makalabas ako?"

Napangisi si Kei sa narinig. "Ah, talagang inalam nila kung ano ang kahinaan mo kaya siguro ganyan ang ginawa nila. You're weak."

Umiling-iling si Kit bago binatukan si Kei. "Bobo ka rin, 'no? Iisa lang ang katawan nating apat kaya wala kang pinagkaiba. You're also weak, dumbass."

Halatang napahiya si Kei, kaya sumimangot na lamang ito at hinawakan ang lubid na hawak na ni Sketch. "Eh 'di maglaro na tayo kung 'yun ang gusto nila... Para makalabas na tayo rito."

"Sure ba kayo rito sa gagawin natin?" tanong ni Steven sa mga kasama habang kumakapit na rin sa lubid kahitpa nag-aalinlangan.

"We have no choice..." Kit responded, before looking back at Sketch who is at the very front, "Let's pull this, shall we?"

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now