033. Odd One Out

5.3K 359 58
                                        

Pagbangon ni Vladimir kinabukasan, agad siyang dumiretso sa loob ng banyo para maligo. Pagkatapos hubarin ang pantulog na ginamit niya, napahinga siya nang malalim nang makita sa salamin na nakapwesto sa likuran niya ang repleksyon ng sariling katawan. Kahit pa ang karamihan dito ay hindi na halata, punong-puno pa rin ng peklat ang likod ni Vladimir. Lahat iyon ay mula sa mga sugat na nakuha niya dahil sa pananakit ng sarili niyang ama.

. The reprimanding he received last night was nothing compared to the previous hardships and violence he received when he was younger. Voltaire's punishments on him became lighter ever since he managed to get into the Paramount Class.

Sumeryoso ang mukha niya at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng binata, bago siya tuluyang pumasok sa loob ng banyo at binuksan ang shower.

Habang unti-unting bumubuhos ng tubig sa ulo niya, bumalik sa isipan niya ang mga nalaman kagabi. Hindi siya halos makatulog pagkatapos siyang maparusahan ng ama, hindi lang dahil sa sakit mula sa mga hagupit na tinamo niya, pero pati na rin sa mga impormasyong pumasok sa isipan niya.

Gusto niyang malaman kung ano pa ang mga detalyeng dapat niyang malaman, at kung ano ba talaga ang kaugnayan ng ama sa Paramount Laboratories. Sigurado siyang hindi lamang pagiging isang investor o shareholder ang layunin ng tatay niya sa organisasyon na iyon, lalo na't alam ni Vladimir na ang Paramount Program kung saan siya kabilang ay brainchild ng mga nasa Paramount Labs.

Naisip niya na tanungin si Jacob tungkol sa mga malaman niya. Alam niya kasing ito lang ang pwede niyang tanungin sa mga bagay na iyon dahil marami itong iniimbestigahan na kung anu-ano.

Matagal na rin magmula noong nangyari ang insidente kung saan muntik na siyang mawalan nang alaala kagaya ni Jacob. Gusto niya sanang alamin ang tungkol doon, pero naisip niyang baka nadamay lang siya dahil na rin may ideya siya sa mga bagay na pilit na inaalam ni Jacob. Ayaw niya namang sayangin ang oras niya sa paghahanap ng isang tao na hindi niya basta mahahanap, at isa pa, nailigtas naman siya si Gwen noong araw na iyon.

Pero ngayong nadiskubre niyang posibleng may mga nalalaman ang sarili niyang tatay tungkol sa Paramount Program, hindi niya mapigilang mapaisip. Nakaramdam siya ng kaba sa sistema niya habang inaalala ang tungkol sa tatlong miyembro ng Paramount Class na nawala, at pati na ang mga nakita niyang detalye sa mga papeles sa opisina ng ama at maging sa isipan nito.

Napahinga siya nang malalim at sinara ang shower. Tinakpan niya ng tuwalya ang pang-ibabang bahagi ng katawan at pinagmasdan ang sarili sa repleksyon niya sa salamin.

Napagdesisyunan niyang umalis sa bahay nila noong umaga ring iyon at bumalik na lamang sa school. Aabangan niya na lamang sa Paramount Building si Jacob para tanungin ito kung sakali mang meron itong ibang nalalaman.

Pagkatapos magbihis at maligo, inihanda na ni Vladimir ang gamit na dadalhin niya bago umalis. Pagbaba niya sa living room, sinalubong siya ni Elliot.

"Gusto niyo na po bang mag-breakfast, Sir Vladimir?"

Tinanaw ng binata ang dining area bago ibinalik ang tingin sa butler. "Sina Daddy?"

"Maaga silang kumain ng stepmother mo dahil kailangan nilang humabol sa flight nila papunta sa Budapest," tugon nito sa kanya.

Vladimir heaved a sigh of relief. Ngayong wala ang ama ay magagawa niyang kumilos nang maayos sa loob ng bahay. "Ikaw ba, Elliot? Kumain ka na?"

"P-po?" Elliot looked confused.

"Ipatawag mo lahat ng andito sa bahay. Pati 'yung mga kasambahay at tsaka 'yung ibang driver sa labas..." ani Vladimir.

"B-bakit po, Sir?"

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now