Kabanata 2

333 12 0
                                    

Bumalik na siya sa mga kaibigan niya doon sa lounge chairs samantalang ako'y naiwan ritong tulala sa nangyari.


Nang makaupo siya ay itinaas niya whiskey at kumindat sakin. Tumalikod na rin ako sa kanya at bumalik na rin ako kung nasaan ang mga kaibigan ko na tanaw ko mula rito ay tuwang-tuwa sa nangyari.


Hindi ba nila alam na kahihiyan ang ginawa ko?!


I just kissed a stranger! Not just a peck on the lips, but I let him taste every bit of me!


"Bakit kanina halos umayaw ka na sa dare?" ngisi ni Calli sa akin.


"Pero bakit nakita namin parang nagustuhan mo pa!" Reese teased.


Napatakip nalang ako ng mukha ko dahil sa kahihiyan.


"Girl, mukhang masarap siya," si Azariah na tumingin pa doon sa gawi nung lalaking hinalikan ko kanina!


"Hottie!" sabi pa ni Farrah.


"Yummy pa!" dagdag ni Calli.


"Tell me. Is he a good kisser?" tanong ni Reese na nag-taas-baba pa ng kilay.


Ang babaeng ito talaga!


Aaminin ko, nagustuhan ko ang nangyari kanina kahit alam kong nakakahiya! Pero hindi ko sasabihin sa kanila yon.


"Pwede ba? Skip the questioning part? I already did the dare!" sabi ko at ini-straight ang tequila na nasa harap ko at naglagay ulit ng asin sa dila ko.


"Ang damot naman! Sana sa kanya nalang ako nakipag-halikan!" Azariah.


"Sana sa kanya niyo nalang ako idi-nare na makipaglaplapan!" Calli.


"Ang lalandi niyo!" sabi ko sa kanila. "Masyado niyong pinagpapantasyahan yung tao!" dagdag ko.


"Girl, yung ganoon na lalaki, hindi pinapaglagpas!" sabi pa ni Reese.


"Alam niyo, i-enjoy nalang natin itong gabi!" sabi ko at itinaas ang cocktail drink ko at ganoon rin ang ginawa nila at sabay-sabay naming ininom ang mga ito.


Halos tanghali na nang magising kami. Hindi ko na natignan kung anong oras kami nakabalik dito sa villa namin. Sinilip ko sila sa labas at nakitang nagkakasiyahan at nagpi-picture taking na sa labas malapit private pool nitong villa namin.


Natanaw naman ako ni Farrah at niyayaya na ako roon. Tinanguan ko lang siya at sinenyasan ko siya na magpapalit lang ako.


Ang aga naman nilang nagising!


Nag-freshen up lang ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng black bikini top at ng high-waist na white shorts. Sinuot ko na rin ang sunglasses ko dahil alam kong magpi-picture pa kami roon.

Lost in Paradise (Morayta Series 1)Where stories live. Discover now